December 12, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Pangwasak sa Sara Duterte wall?' Vice Ganda, pinatatakbong Presidente sa 2028 ni Lav Diaz

'Pangwasak sa Sara Duterte wall?' Vice Ganda, pinatatakbong Presidente sa 2028 ni Lav Diaz
Photo courtesy: MB File Photo/Screenshot from Ang Walang Kuwentang Podcast (YT)

Usap-usapan ang naging pahayag ng award-winning director na si Lav Diaz hinggil sa posibleng pagkampanya kay Unkabogable Star at "It's Showtime" host Vice Ganda bilang kandidato sa pagkapangulo ng Pilipinas sa 2028.

Nasabi ito ng "Magellan" director sa podcast nina Direk Antoinette Jadaone at JP Habac na "Ang Walang Kwentang Podcast" na umere noong Setyembre 11, 2025.

Umikot ang naging usapan ng tatlo sa pagiging filmmaker ni Diaz, lalo't ang nabanggit na pelikula ang opisyal na kinatawan ng Pilipinas sa Oscars 2025.

Natanong ni Jadaone si Diaz kung nanonood ba ang huli ng mga pelikula ni Vice Ganda.

Tsika at Intriga

'The truth is out!' Claudine proud sis, wala si Gretchen sa listahan ng DOJ

Sinagot ng direktor ang pelikulang "Praybeyt Benjamin" ng komedyante.

Nang mabanggit naman ni Jadaone ang "Petrang Kabayo" na unang pelikula ni Vice Ganda ay napa-second the motion si Diaz at napa-aprub sign.

Giit ni Diaz, "symbolic" daw kasi ang Praybeyt Benjamin.

Dito ay iginiit ni Jadaone na nasabi raw ni Diaz na panahon na raw para tumakbo ni Vice Ganda bilang Presidente at pasukin ang politika.

Paliwanag naman ni Diaz, "Seryoso 'yan ha, seryoso, kasi napaka-bleak ng future ‘pag hindi natin mawasak ‘yong wall na ‘yon—‘yong 'Sara Duterte wall,' which is coming which is coming," anang direktor.

“The nightmare is coming. It’s only two years away so we need to act. Gamitin natin ang pop culture to destroy that."

Anang Diaz, si Vice Ganda ang maituturing sa ngayon na may pinakamalakas na impluwensya pagdating sa pop culture. Isa pa, maganda rin daw ang mga pananaw ni Vice Ganda pagdating sa mga bagay-bagay, lalo't recently, laging nasusundutan ng komedyante-TV host ng isyung panlipunan at pampolitika ang mga hirit niya sa noontime show.

"Sino bang pinaka-icon sa pop culture ngayon? Vice Ganda. At maganda rin ang pananaw ni Vice. Gamitin natin, let’s use that. Kasi ‘yon na ‘yong labanan eh, mythologizing with making. Gano'n ang populist leaders eh," aniya pa.

Naniniwala si Diaz na kailangang i-educate ang masa sa tamang pagboto, at naniniwala siyang si Vice Ganda ang makagagawa nito.

Sey naman ni JP, hindi raw takot si Vice Ganda na magpahayag ng kaniyang opinyon.

"Kaya mag-campaign na tayo, 'Vice, go!" giit pa ni Diaz.

"Gawin na siyang kilusan, Vice Ganda Movement. Vice Ganda For President, gawing kilusan. Start it now. Gano'n 'yong labanan eh."

"Ilagay lang si Chel [Diokno], Risa [Hontiveros] o si Leni [Robredo] Vice ni Vice..." sundot pa ni Diaz.

Nagbiro na lang si Direk Antoinette na huwag daw sanang mapanood ng Duterte supporters ang nabanggit na episode.

VICE GANDA SA POLITIKA?

Matatandaang nabanggit na noon ni Vice Ganda sa panayam kay Ogie Diaz na wala siyang balak tumakbo o pumasok sa politika.

KAUGNAY NA BALITA: Vice Ganda, kakandidato sa midterm election?

Sa panayam naman sa kaniya ni Dra. Vicki Belo, inamin ni Vice Ganda na noon pa man ay may mga nanliligaw na sa kaniya para kumandidato.

Aniya, sa palagay niya ay maaari siyang manalo sa dami ng followers at mga tagahanga niya na boboto at susuporta sa kaniya, subalit hindi pa rin ito ang naging dahilan niya upang pasukin ang mundo ng politika. Baka ipahamak pa raw niya ang Pilipinas.

“Feeling ko puwede akong manalo dahil marami akong followers, maraming fans, maraming boboto sa akin. Pero hindi ako magaling doon so bakit ako pupunta roon? Ipapahamak ko ang Pilipinas? Not because you can win, you will run," paliwanag ni Viceral.

Hindi na ibinahagi pa ni Vice kung anong partido at posisyon ang naialok sa kaniya.

KAUGNAY NA BALITA: Vice Ganda, 'niligawang' tumakbo sa eleksyon: 'Not because you can win, you will run'