January 26, 2026

Home BALITA

Ilang indibidwal, inatake truck ng bumberong reresponde sa sunog sa Tondo

Ilang indibidwal, inatake truck ng bumberong reresponde sa sunog sa Tondo
Photo courtesy: Contributed photo

Isang volunteer fire truck na rumesponde sa malaking sunog sa Happy Land, Barangay 105, Tondo, Maynila ang inatake ng hindi pa nakikilalang mga indibidwal noong Sabado ng gabi, Setyembre 13.

Ayon sa mga ulat, nabasag ang bintana sa gilid ng sasakyan matapos itong batuhin ng bato habang patungo sa Happyland. Pag-aari ang fire truck ng isang volunteer brigade mula sa labas ng Maynila. Wala namang naiulat na nasaktan sa mga sakay nito.

Nangyari ang insidente sa kasagsagan umano ng pag-aapula ng mga bumbero sa mabilis na kumalat na apoy na tumupok sa isang residential area at nagpalikas ng mahigit 1,000 residente.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog bandang alas-8:27 ng Sabado ng gabi Setyembre 13, sa Building 7 ng Helping Compound sa Road 10. Ang naturang dalawang palapag na estruktura ay gawa sa light materials.

National

Ogie Diaz, pinalagan sinabi ni Greco Belgica na hayaan mga 'tunay na lalaki' sa gobyerno

Umabot ang sunog sa Task Force Bravo alas-10:53 ng gabi at idineklarang under control alas-2:46 ng madaling-araw, nitong Linggo, Setyembre 14. Ganap itong naapula ng 6:02 ng umaga.

Matapos ang pambabato, isang volunteer mula sa nasabing team ang naghayag ng sama ng loob sa social media, na nagsabing, “Brgy. 105 Happy Land Tondo kayo na nerespondihan kayo pa ang mamamato at mang-ice pick.”

Patuloy nang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pambabato at tinutukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek.