Kinumpirma ng Commission on Elections (Comelec) ang pagkapanalo ng Gabriela Women's Party matapos ang tuluyang pagbasura sa registration ng Duterte Youth Party-list, nitong Linggo, Setyembre 14, 2025.
Sa isang radio interview, inihayag ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na may isang Congressional seat na nakalaan para sa Gabriela kung saan nakatakda itong solohin ng kanilang first nominee na si dating Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago.
"Siya ang [She is the] number one nominee ng naturang [of] Gabriela party-list,” ani Garcia.
Paglilinaw pa niya, "Sinasabi na rin ho natin upang mawala ang agam-agam dahil ilang beses na rin ho sila pumunta sa amin sa komisyon upang hilingin ang kaagad na proklamasyon ng naturang party-list."
Matatandaang noong Hunyo nang kanselahin ng Comelec ang registration ng Duterte Youth bilang isang partylist.
Naantala ang proklamasyon ng Duterte Youth Partylist nang manalo ito sa eleksyon noong Mayo 12 dahil sa mga petisyong nakabinbin laban dito.
KAUGNAY NA BALITA: Duterte Youth, kanselado na bilang party-list