December 14, 2025

Home FEATURES

Content creator, idiniing hindi 'failure' isang tao kung 30 na't wala pa ring asawa, anak

Content creator, idiniing hindi 'failure' isang tao kung 30 na't wala pa ring asawa, anak
Photo courtesy: Unsplash


Inilahad ng content creator na si Dr. Kilimanguru ang kaniyang sentimyento ukol sa edad ng isang tao at ang koneksyon nito kung late in life na ba o “failure” nga ba ang isang indibidwal.

Ibinahagi niya sa kaniyang Facebook post noong Sabado, Setyembre 13, na hindi nababase sa edad kung late in life na o “failure” ang isang tao kung wala pa itong pamilya.

“If you’re 30 years old, walang asawa, at walang anak. Hindi ka late in life. Hindi ka failure,” ani Dr. Kilimanguru.

“Imbentong standards lang yan ng society natin. May iba’t ibang path sa buhay. Wag niyo i-limit sarili niyo sa opinyon nila,” dagdag pa niya.

Aniya pa, marami pang bagay ang puwedeng gawin sa buhay maliban sa pagpapakasal at pag-aanak.

Inilahad niya rin ang kaniyang punto tungkol sa mga nagsasabing enjoyin ng mga tao ang kanilang buhay habang single sila.

“Hala mga beh. Puwede naman i-enjoy ang life kahit may partner ka eh unless nag settle ka sa walang kwenta, di mo talaga ma-eenjoy buhay mo beh. Choose wisely!” anang content creator.

“Anything that is rushed and forced never turns out well. Observe niyo nalang mga kilala niyo. Lol,” dagdag pa niya.

Umani ng samu’t saring reaksyon at komento ang naging sentimyento at punto ng nasabing content creator.

“It's better to remain single than marrying the wrong and toxic partner. Having family is not mandatory, and it's not for everyone. It's a choice, but never been an option to escape the pressure of the society. Being happy and contented is not always coming from having family. Choose your desire path wisely because you only live once.”

“Un oh. True love starts at 35”

“Got married at 38 not bad...No kids (don't need them) Just happily be with him anywhere”

Human-Interest

#BalitaExclusives: Babaeng ikakasal na sana, ilang araw nang nawawala; fiancé, umapela ng tulong

“If you hit your 30s with no wife and no kids, it’s basically your 20s all over again—just with money this time.”

“People who are single knew that po, that’s why they simply ignored those people who knows nothing, but to judged rather than focusing or fixing their own lives po.”

Matatandaang sumikat ang content creator na si Dr. Kilimanguru dahil sa kaniyang signature expression na “char,” pati sa kaniyang mga content na may kinalaman sa kalusugan na hinahaluan niya ng hugot.

Vincent Gutierrez/BALITA