December 12, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Chel, Risa, o Leni' puwedeng isama kay Vice Ganda sa pagtakbong Presidente—Lav Diaz

'Chel, Risa, o Leni' puwedeng isama kay Vice Ganda sa pagtakbong Presidente—Lav Diaz
Photo courtesy: Screenshot from It's Showtime, Ang Walang Kwentang Podcast (YT)

Mainit na pinag-uusapan ngayon ang pahayag ng multi-awarded director na si Lav Diaz tungkol sa posibilidad na tumakbo sa pagkapangulo sa 2028 ang It’s Showtime host at Unkabogable Star na si Vice Ganda.

Lumabas ang pahayag ng "Magellan" director sa episode ng "Ang Walang Kwentang Podcast" nina Direk Antoinette Jadaone at JP Habac noong Setyembre 11, 2025.

Sa simula, umikot ang usapan sa pelikulang Magellan na kakatawan sa Pilipinas sa Oscars 2025, bago mauwi sa paksa tungkol kay Vice Ganda.

Nang tanungin ni Jadaone kung nanonood ba siya ng mga pelikula ng komedyante, binanggit ni Diaz ang Praybeyt Benjamin. Nang masabi naman ang Petrang Kabayo, sumang-ayon ang direktor at nagbigay pa ng “approve” sign. Ayon sa kanya, “symbolic” umano ang Praybeyt Benjamin.

Tsika at Intriga

'The truth is out!' Claudine proud sis, wala si Gretchen sa listahan ng DOJ

Binigyang-diin ni Diaz na seryoso ang kaniyang paniniwalang panahon na para pumasok sa politika si Vice Ganda. Aniya, "Seryoso 'yan ha, seryoso, kasi napaka-bleak ng future ‘pag hindi natin mawasak ‘yong wall na ‘yon—‘yong 'Sara Duterte wall,' which is coming which is coming," anang direktor.

“The nightmare is coming. It’s only two years away so we need to act. Gamitin natin ang pop culture to destroy that," giit pa niya.

Para kay Diaz, si Vice Ganda ang kasalukuyang may pinakamalakas na impluwensiya sa pop culture at bukas sa pagbibigay ng matapang na opinyon. Kaya panawagan niya, gawing kilusan ang ideya.

"Sino bang pinaka-icon sa pop culture ngayon? Vice Ganda. At maganda rin ang pananaw ni Vice. Gamitin natin, let’s use that. Kasi ‘yon na ‘yong labanan eh, mythologizing with making. Gano'n ang populist leaders eh," aniya pa.

Naniniwala si Diaz na kailangang i-educate ang masa sa tamang pagboto, at naniniwala siyang si Vice Ganda ang makagagawa nito.

Sey naman ni JP, hindi raw takot si Vice Ganda na magpahayag ng kaniyang opinyon.

Dagdag pa ng direktor, maaari umanong makapareha ng komedyante sa tiket sina Atty. Chel Diokno, Sen. Risa Hontiveros, o dating Vice President at ngayo'y Naga City Mayor Leni Robredo, bilang Bise Presidente niya. 

"Kaya mag-campaign na tayo, 'Vice, go!" giit pa ni Diaz.

"Gawin na siyang kilusan, Vice Ganda Movement. Vice Ganda For President, gawing kilusan. Start it now. Gano'n 'yong labanan eh."

"Ilagay lang si Chel [Diokno], o si Risa [Hontiveros] o si Leni [Robredo] Vice ni Vice..." sundot pa ni Diaz.

"At pag nanalo na sila, mag-resign si Vice, may Presidente na tayong maayos."

Nagpatawa naman si Jadaone na sana raw ay hindi mapanood ng mga Duterte supporter ang episode.

Matatandaang nabanggit kamakailan ni Sen. Risa na bukas siya sa posibilidad na maging "standard bearer" ng oposisyon sa 2028.

Matatandaang nauna nang nausisa si Hontiveros sa posibilidad na ito noong Mayo, ilang araw matapos ang 2025 midterm elections.

"I'm not saying no. I'm open to all possibilities," pahayag ng senadora.

Kasalukuyang affliated si Hontiveros sa Akbayan Citizens’ Action Party.

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Risa, posibleng tumakbo sa 2028 presidential race?

Si Diokno naman ay kasalukuyang kinatawan ng Akbayan partylist sa House of Representatives.

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni Vice Ganda hinggil dito, bagama't sa mga nauna niyang panayam kina Ogie Diaz at Dra. Vicki Belo, nasabi na niyang kahit na may mga nag-aalok sa kaniyang pasukin ang politika, tinatanggihan niya ito at wala raw siyang balak na kumandidato.

KAUGNAY NA BALITA: 'Pangwasak sa Sara Duterte wall?' Vice Ganda, pinatatakbong Presidente sa 2028 ni Lav Diaz