December 22, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Carla Abellana napa-bullsh*t sa ulat tungkol kay FPRRD

Carla Abellana napa-bullsh*t sa ulat tungkol kay FPRRD
Photo courtesy: Carla Abellana (IG)/MB File Photo

Hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng mga netizen ang iniwang reaksiyon at komento ni Kapuso star Carla Abellana sa isang ulat ng pahayagan tungkol sa kalagayan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte habang nasa detention facility ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.

Matatandaang hindi matutuloy ang nakatakda sanang confirmation of charges hearing kaugnay ng kasong crimes against humanity sa darating na Setyembre 23, dahil umano sa "impaired memory" at "inability to retain new information" ng dating pangulo, ayon sa kaniyang legal counsel na si Atty. Nicholas Kaufman.

Batay umano sa isinagawang pagsusuring medikal, na kinabibilangan ng neuropsychological evaluation, CT scan, at MRI—lumalabas umanong hindi kayang tumindig ni Duterte sa paglilitis, sa rasong "lacks the capacity to apply the cognitive skills essential for the proper conduct of his defence."

Kaugnay nito, naglabas ng pahayag ang ICC noong Huwebes, Setyembre 11, 2025, na nag-request daw ang Duterte defense team para sa “indefinite adjournment” ng pagdinig ng kasong kinahaharap nitong crimes against humanity.

Tsika at Intriga

Kinarma kaya nagkasakit? Pambansang Kolokoy, umalma sa nagsabing dapat humingi siya ng tawad sa 'real family'

Laman ng nasabing hiling ng kampo ni Duterte ang pahayag ni Kaufman, na hirap na raw maiproseso ng dating Pangulo ang mahahalagang impormasyon katulad ng kaniyang kaso at mga anak.

Saad pa ng abogado ni FPRRD, hindi na raw kakayanin ni Duterte na dumalo pa sa anumang legal proceedings ng kaniyang kaso.

“His deficient memory also entails an inability to follow the litigation and to make informed decisions. Consequently, and crucially, Mr Duterte is unable to contribute to his own defence, rendering his participation in the proceedings totally ineffective,” saad ni Kaufman.

Bagay na kinomentuhan naman ni Carla sa comment section ng Instagram post ng nabanggit na pahayagan, gamit ang kaniyang verified Instagram account. 

"Bullshit," aniya.

Photo courtesy: Screenshot from Carla Abellana (IG)

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Queen!"

"@carlaangeline patron saint of calling out, pray for us"

"@carlaangeline hahahahaha anghang"

"@carlaangeline missmam pls know that we appreciate u for speaking up. ikaw isa sa mga bumoboses para samin sana palaging masarap ulam mo"

"HAHAHAHA my spirit animal!"

"mother!"

"slay ka diyan mhie!"

Samantala, ilang mga netizen din naman ang tila hindi nagustuhan ang matalim na reaksiyon ng aktres, sa comment section ng ilang online sites na nagbalita rin nito.

May ilang "dinamay" pa ang naging hiwalayan nila ng estranged husband na si Tom Rodriguez. 

"Kaya ka iniwan at pinagpalit ng dati mong asawa eh, deserve na deserve"

"Sus Carla, puro Duterte banat mo. Di mo nga kayang bumoses sa nangyayaring corruption ngayon. Pwe!!!!"

"Now we know why she Tom left her. Dasurb. Ganda ng mukha, rotten naman inside."

"Carla, artista ka din dapat alam mo ang acting!!!"

"Grabe ka naman Carla?"

Samantala, dahil sa mga pagsita sa iba't ibang isyu, tinagurian si Carla bilang "Patron Saint of Calling Out." Wala pa siyang reaksiyon, komento, o pahayag tungkol dito. 

KAUGNAY NA BALITA: Magkaibang pahayag nina Kitty Duterte at Nicholas Kaufman sa kalusugan ni FPRRD, inintriga!