December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Bela, ‘di sang-ayon sa ilang paniniwala ng tito niyang si Robin

Bela, ‘di sang-ayon sa ilang paniniwala ng tito niyang si Robin
Photo Courtesy: Screenshot from Karen Davila (YT), via MB

Inamin ng aktres na si Bela Padilla na hindi raw niya sinasang-ayunan ang ilang politikal at personal na paniniwala ng tito niyang si Senador Robin Padilla.

Matatandaang kapatid ng lola ni Bela ang ina ni Robin kaya maikokonsidera ng aktres na second uncle niya ang senador. 

Sa latest episode ng vlog ni broadcast-journalist Karen Davila kamakailan, sinabi ni Bela na malaking factor umano ang magkaiba nilang relihiyon sa hindi niya pagsang-ayon sa paniniwala ni Robin.

“Actually, I don’t think I agree with 99 percent of the things he has been fighting for recently, or the ideologies he has, but we’re also different people,” saad ni Bela.

Tsika at Intriga

'Buong taon 'di n'yo naman ako pinapansin!' Nadine, umapela sa mga nanghihingi tuwing December lang

Dagdag pa niya, “Tito Robin is Muslim. First of all, I grew up a Jehovah’s Witness Christian. So, I think, do’n pa lang, the base of our principles is already very different. Religion does play a very big factor in how a person thinks.”

Gayunman, sa kabila ng kanilang pagkakaiba, isa umano si Robin sa pinakamabuting taong nakilala niya.

“He’s so, so nice. Like, very, very generous. He has such a good heart,” anang aktres.

Matatandaang maging ang anak ni Robin na si Kylie Padilla ay hindi rin umano sumasang-ayon sa lahat ng paniniwala ng ama nito.

“But I know my dad, kilala ko siya kung saan siya nanggagaling. And I’m sure naman, he knows himself. Kung ano ang pinaglalaban niya.” sabi ni Kylie.