December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Back to normal nose!' Alex Gonzaga, pinatanggal pinalagay sa ilong

'Back to normal nose!' Alex Gonzaga, pinatanggal pinalagay sa ilong
Photo courtesy: Alex Gonzaga (IG/FB)

Ibinida ng social media personality, TV host, at aktres na si Alex Gonzaga ang kaniyang rhinoplasty removal journey sa kaniyang latest vlog nitong Linggo, Setyembre 14.

Ibinahagi ni Alex sa kaniyang Facebook post ang link ng kaniyang bagong vlog na naka-upload sa YouTube channel niya, na nagpapaliwanag sa dahilan kung bakit pinaalis niya ang rhinoplasty implant sa kaniyang ilong.

"Parang naglalaro nalang pero legit na pinatanggal ko na ilong ko!! Back to normal nose na tayo," aniya.

Photo courtesy: Screenshot from Alex Gonzaga/FB

Tsika at Intriga

'Buong taon 'di n'yo naman ako pinapansin!' Nadine, umapela sa mga nanghihingi tuwing December lang

Paliwanag ni Alex sa kaniyang vlog, makalipas ang dalawang taon matapos ang pagpapailong, napagdesisyunan niyang ipatanggal na lang ang gortex dahil sa concern ng pamumula ng ilong niya.

Ang gumawa ng kaniyang rhinoplasty implant ay si celebrity doctor Dra. Vicki Belo.

"After two years, nakapag-decide na 'ko na tanggalin ko na lang," aniya.

"Isa sa mga pinaka naging concern ko is, even sina Toni Fowler napapansin nila, is laging namumula 'yong ilong ko," paliwanag ni Alex.

Namumula raw ang ilong niya lalo na raw kapag malamig ang temperatura, kapag puyat o pagod siya, lalo na raw kapag nasa ibang bansa silang may malamig na klima.

Kaya nang tinanong daw siya ni Belo kung okay na sa kaniyang ipabago o tanggalin, nakapagpasiya naman ang sisteret ni Toni Gonzaga na alisin na lang.

Ipinakita ni Alex sa kabuuan ng kaniyang vlog ang naging proseso sa pagtanggal sa kaniyang goretex, hanggang sa mga araw ng kaniyang recovery stage. 

Disyembre 2023 nang i-flex ni Alex ang bagong gawang ilong.

Sey ni Alex sa Instagram posts niya, matagal na niyang pinag-iisipan kung gagawin niya ito.

Matapos ang ilang taong pagko-contemplate, finally ay dumaan na siya sa proseso ng pagpapaayos ng ilong.

Pinasalamatan niya si Belo na siyang gumawa ng ilong niya.

"I say do what makes you happy! After so many years of contemplating, last month I finally decided to do it. Wala ng nakapigil. Now you nose! ? #filternomore ? #Belo," aniya.

Sey pa niya sa isang IG post, "Magpaganda ka habang wala sa bahay asawa mo.. pagbalik nya tapos nagtaka sya saka mo sabihin “ako lang to” ? #NowYouNose."

KAUGNAY NA BALITA: Alex Gonzaga, nagpa-nose job: 'Ako lang 'to!'