December 13, 2025

Home BALITA National

AFP, nakataas sa 'red alert' bilang handa sa mga protesta

AFP, nakataas sa 'red alert' bilang handa sa mga protesta
Photo courtesy: AFP, PNP (FB)

Nakataas sa red alert status ang Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang paghahanda sa mga isasagawang kilos-protesta ng ilang grupo bilang kontra-katiwalian sa mga imprastrakturang proyekto ng gobyerno. 

“Wala po tayong dapat ikabahala, this is simply to ensure ‘yung readiness and support natin sa Philippine National Police (PNP), who has the primary mandate in maintaining peace and order,” pagtitiyak ni AFP spokesperson Col. Margareth Padilla sa kaniyang panayam sa DZBB 594 Super Radyo noong Linggo, Setyembre 14. 

Ibinahagi rin niyang nirerespeto ng AFP ang karapatan ng mga mamamayan na mapayapang magtipon at magpahayag ng kanilang mga pananaw.

Gayunpaman, binanggit din ni Padilla na ang karahasan at kaguluhan ay hindi kukunsintihin ng AFP. 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

“Hindi po natin papayagan ang sinumang indibidwal o grupo na gamitin ang sitwasyong ito para maghasik ng karahasan, pagkakawatak-watak sa ating lipunan, o kaguluhan. So, in coordination with PNP, ine-ensure natin na legitimate ang adbokasiya. Pinoprotekhan natin ito while potential threats are being monitored,” aniya pa. 

Bilang parte ng standard security measure ng AFP, ang pagtataas ng red alert status ay nangangahulugang pag-antabay ng mga personnel sa mga hindi inaasahang pangyayari.

Ang nasabing red alert status din ay naging epektibo na noong Biyernes, Setyembre 12. 

Sa mga umano’y panawagan naman ng pagpapatanggal ng suportang militar mula sa administrasyong Marcos, nanindigan si Padilla na ang loyalty ng AFP ay para sa konstitusyon at mamamayang Pilipino. 

“Sir, we categorically reject itong mga panawagang ito. We want to be perfectly dito, ‘yung unwavering loyalty po natin sa constitution and to the Filipino people, ito po ‘yung role ng AFP, to arbitrate any political matter,” saad niya. 

 Sean Antonio/BALITA