December 13, 2025

Home BALITA

'Tayo ang kinabukasan!' Renee Co may payo sa mga kabataang alanganing lumahok sa kilos-protesta

'Tayo ang kinabukasan!' Renee Co may payo sa mga kabataang alanganing lumahok sa kilos-protesta
Photo Courtesy: Ralph Mendoza/BALITA

Nagpaabot ng mensahe si Kabataan Party-list Rep. Renee Co para sa mga kabataang nag-aalinlangang lumahok sa kilos-protesta sa gitna na lantarang korupsiyon sa gobyerno.

Sa eksklusibong panayam ng Balita nitong Sabado, Setyembre 13, hinikayat ni Co ang mga kabataan na kumuha ng inspirasyon sa mga kabataan ng Indonesia, France, at Nepal.

“Tayo ang kinabukasan. Kumuha tayo ng inspirasyon sa kinabukasan patuloy na tine-take ownership ng ibang kabataan sa ibang bansa. Sa Indonesia, sa Nepal, sa France, sa United States,” saad ni Co.

“Ngayon,” dagdag niya, “hahayaan ba natin na patuloy na kamay lang sa iilan ang kinabukasan natin? Sa akin, hindi. Ayaw kong magpatuloy ang isang sistema na ang dapat na gumaganansya ay edukasyon, kalusugan, pabahay sa pinakamarami [pero] pinanggagawa lang ng mansyon, pinambibili lang ng Gucci ng iilan.”

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Ayon kay Co, mahalaga umano ang papel ng kabataan sa paglahok sa mga kilos-protesta dahil sila ang huhubog sa uri ng politika at lipunang magbibigay ng hustisya sa mga susunod na henerasyon.

Nakatakdang magsagawa ng malawakang protesta laban sa korupsiyon ang iba’t ibang progresibong grupo sa Luneta sa Setyembre 21, Linggo.

Kabilang ang Makabayan bloc sa mga lalahok dito kasama na ang mga estudyante, lider-kabataan, manunulat, guro, religious communities, artista, civil society groups, at iba pa.

Kaugnay na Balita: Maisug, Makabayan sa Luneta posible ba?