January 06, 2026

Home FEATURES Trending

Tatay na inialok ang kinakain niyang tinapay, napalitan ng isang birthday celebration

Tatay na inialok ang kinakain niyang tinapay, napalitan ng isang birthday celebration
photo courtesy: Blue Hernandez via Nicole Therise Marcelo

“Kain tayo” turned into a small celebration. 

Ang simpleng pag-alok ng isang padre de pamilya ng kinakain niyang tinapay ay napalitan ng isang selebrasyon para sa kaniyang kaarawan.

Ibinahagi ng netizen na si Blue Hernandez ang kuwento kung paano sila nagkita ni Tatay Renato. 

"Just saw Kuya casually eating bread at the side of the street. I normally smile to them but did not expect when he said 'Kain tayo', him offering his bread," saad ni Blue sa isang Facebook group. 

Trending

'Mas marami pa akong maletang ipapadala!' Geodetic engineer couple, sinorpresa ni 'Zaldy Co' sa kasal

"This made my heart smile. Naisip ko to invite Tatay to eat with me since tanghali na that time. I went back to him and asked him this time: 'Tay, Tara Kain Tayo!'" ayon pa sa kaniya.

Kuwento pa ni Blue, habang nag-o-order daw sila ng pagkain sa isang sikat na fast food chain, ibinulong daw sa kaniya ni Tatay Renato na birthday niya no'ng araw na 'yon. 

"While ordering he whispered: 'Bertday ko ngayon, salamat ng marami ha.' And this is how it went! To Tatay, hindi lang po ikaw ang napasaya ko. You made my heart really happy too," aniya. 

Dahil birthday ni Tatay Renato, napagpasyahan ni Blue na makipag-coordinate sa staff ng McDo.

May bitbit na cake at lobo ang mga empleyado ng naturang fast food chain at sinorpresa si Tatay. Hindi napigilan ng nagbahaging netizen ang kaniyang luha.

"This is how it went! Hindi ko mapigilian maluha. I lost my Father 6yrs ago. Seeing him happy is like seeing my Father happy too." 

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Blue, naibahagi niya na nakatira lang sa lansangan ang pamilya ni Tatay. Ang pinagkakatiwaan lang din umano ni Tatay at asawa nito ay pagpaparking.

"May family po siya pero nakatira sila sa streets. Wala po silang bahay. ['Yong] ibang anak niya po nagtitinda ng Santan sa may Zapote," aniya.

"15 years na po siya nagpaparking. May asawa po siya [na] tumutulong din sa kaniya sa pagpaparking," dagdag pa niya.

Nabanggit din niya sa Balita na inoperahan sa ulo si Tatay Renato.

"Meron din siya opera sa ulo kaya may takip yung ulo niya kahit tanggalin yung cap po."

Si Tatay Renato ay nagpaparking sa McDo sa Nueno Branch sa Imus, Cavite. 

Samantala, nag-abot din ng pagbati at komento ang mga netizen:

"Bakit naiyak din ako. Kainis... I grew up without a father (dedo na when I was almost 2yo) then my partner left me last year,sumama na rin kay Lord."

"Nakakaiyak  thank you for what you did, Ms. Blue Hernandez. God bless you!!! And happy happy birthday po, tatay!! "

"If only we have this world, a little kinder... things could have been better... People nowadays, show no empathy... thank you for this message. Made tears, but happy tears. Happy Birthday Tay. And to you po, Angels exists. God bless you."

"Even the simplest gestures have the power to create lasting memories, turning an ordinary moment into an unforgettable day in someone’s life."

"Bless your kind heart. It’s truly uplifting to see posts like this, especially with everything happening in our country right now. In times when it feels so hard to find reasons to smile, reminders like this mean so much. The world may be full of challenges and negativity, but people with good hearts like you remind us that goodness still shines through."

"Kainis naman to. Naghahanap lang ako ng makakain, naiyak pa.  Hapi bertdey po, Tatay! "

"As an iyakin. Di ko pa man nababasa naiyak na ako. Happy birthday kay Tatay! God bless you more, Blue!!"

Inirerekomendang balita