Umuugong ang usap-usapan hinggil sa status ng relasyon nina basketball player Ricci Rivero at beauty queen Leren Bautista.
Kapansin-pansin kasing wala nang recent photos na magkasama ang celebrity couple. Sinubukan ng Balita na bisitahin ang Instagram account nina Leren at Ricci para kumpirmahin ang napuna ng ilang netizens.
Batay sa Instagram account ni Leren, Oktubre 10, 2024 pa ang post niya kung saan makikitang kasama niya si Ricci sa picture.
Gayundin naman ang Instagram account ni Ricci. Wala na rin ang recent photos nila ni Leren.
Pero sa kabila nito, pina-follow pa rin naman nila ang isa’t isa. Wala pa rin naman kasi silang opisyal na pahayag o reaksiyon kaugnay sa lumulutang na intriga.
Matatandaang Oktubre 2023 nang isapubliko nina Ricci at Leren ang kanilang relasyon sa kabila ng kaliwa’t kanang batikos na natanggap mula sa madla.
MAKI-BALITA: Ricci ibinunyag relasyon nila ni Leren Mae: ‘Hindi tayo magtatago dahil walang dapat ikahiya’
Bago pa man kasi ito, nauna nang naugnay si Ricci kay Leren nang kumpirmahin ng una ang hiwalayan nila ng Kapamilya star na si Andrea Brillantes.
Maki-Balita: Ricci at Andrea, hiwalay na? Ricci, may pasabog na tweet