December 12, 2025

Home BALITA

Pagtawag ni VP Sara na na-kidnap si FPRRD, nakaapekto umano sa pag-reject ng ICC sa hiling na interim release

Pagtawag ni VP Sara na na-kidnap si FPRRD, nakaapekto umano sa pag-reject ng ICC sa hiling na interim release
Photo courtesy: via MB, Contributed photo

Idiniin ng International Criminal Court (ICC) Prosecutor ang ilan umano sa mga naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na nakaapekto raw sa estado ng kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte pananatili nito sa kanilang detention center.

Batay sa isinapublikong dokumento ng ICC noong Biyernes, Setyembre 12, 2025, isa ang mga pahayag umano ni VP Sara kung bakit mas kinakailangan umano nilang panatilihin sa detention ang dating Pangulo.

“The short time since the Prosecution submitted its Response, other serious incidents have occurred that support Mr. Duterte's continued detention,” anang ICC.

Ayon sa ICC, ang pagtawag umano ni VP Sara na “na-kidnap” si dating Pangulong Duterte ang isa sa mga pahayag na nakarating sa kanila.

'Dedma kung dating hepe!' DILG, tiwalang kayang arestuhin ng PNP si Sen. Bato

“Mr. Duterte's family members have continued to reject the legitimacy of his legal proceedings before the Court. For example on 19 July 2025, Sara Duterte, the current Vice President of thePhilippines, spoke in front of a crowd in The Hague and was interviewed afterwards. During this event, she repeated the claim that Mr. Duterte was ‘kidnapped’ by the ICC and stated that it was ‘illegal’ to bring him to the Court,” anang ICC.

Pinuna rin ng ICC ang mga pahayag ni VP Sara sa kanilang mga tagasuporta partikular na ang panghihimok umano ng Pangalawang Pangulo na pasukin ang kanilang detention center.

“She also told supporters, supposedly in jest, that she had discussed breaking Mr. Duterte out of the ICC Detention Unit with a colleague,” anang ICC. “She reportedly made similar comments during a Facebook live stream while in the Kingdom of the Netherlands allegedly stating ‘let's all collaborate on a jailbreak.’”

Tila hindi rin daw nagustuhan ng ICC ang umano’y akusasyon ni VP Sara na nakikipagsabwatan raw ang ICC  sa gobyerno ng Pilipinas upang magkaroon ng mga peke at bayad na witness laban sa kaso ng kaniyang ama.

“Also on 19 July 2025, while making a speech on the front steps of the ICC, Sara Duterte falsely claimed that the ICC was ‘colluding’ with the Government of the Philippines, which was paying for ‘fake witness’ in the case against her father..." saad ng ICC.

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na tugon ang kampo ng Pangalawang Pangulo tungkol sa mga naging pahayag ng ICC,

Matatandaang nananatili sa kustodiya ng ICC si dating Pangulong Duterte matapos siyang maaresto noong Marso 2025 dahil sa kasong crimes against humanity.

KAUGNAY NA BALITA: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD