Bukas at libre ang mga outpatient services sa lahat ng Department of Health (DOH) hospitals sa buong bansa ngayong Sabado, Setyembre 13.
Ito ay bahagi ng pagdiriwang sa ika-68 na kaarawan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
“Ang utos ng Pangulo, just for today, Saturday, bukas po ang mga outpatient department ng ating mga DOH hospitals nationwide, kung saan libre ‘yong konsultasyon,” saad ni DOH Asst. Sec. Albert Domingo sa kaniyang pahayag sa ABS-CBN News.
Ipinaliwanag din niya na hindi kasama rito ang mga treatment, laboratory tests, at procedures na nangangailangan ng overnight admission sa ospital.
Sean Antonio/BALITA