January 07, 2026

Home BALITA National

Lucky winner mula sa Batangas, kumubra ng P386 milyong lotto jackpot prize

Lucky winner mula sa Batangas, kumubra ng P386 milyong lotto jackpot prize
PCSO

Kinubra na ng isang lucky winner na mula sa Batangas ang napanalunan niyang premyo sa Ultra Lotto 6/58 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Napanalunan niya ang ₱386,153,104.80 premyo ng Ultra Lotto na binola noong Agosto 22, 2025 sa pamamagitan ng Lucky Pick. 

Ang lucky ticket, na may winning combination na 01-34-44-27-57-16, ay nabili sa isang lotto outlet sa National Road, Barangay Bolbok, Batangas City.

Sa panayam ng PCSO sa lucky winner, 2008 pa ito tumataya ng lotto. Gagamitin aniya ito para magkapagtayo ng maliit ng negosyo at kinabukasan ng kaniyang anak at makapagbigay-suporta sa kaniyang mga kapatid.

National

Kahit malayo sa Pinas: Christmas ni Harry, merry!

Binobola ang Ultra Lotto 6/58 kada Linggo, Martes, at Biyernes.