December 19, 2025

Home BALITA Probinsya

Lalaking pinatay sariling mga magulang at kapatid sa Bukidnon, nasakote ng pulisya!

Lalaking pinatay sariling mga magulang at kapatid sa Bukidnon, nasakote ng pulisya!
Photo courtesy: Pexels

Matapos ang ilang buwang pagtatago, nasakote na ng pulisya ang 23 taong gulang na lalaking pumaslang sa sarili niyang mga magulang at nakababatang kapatid sa Malaybalay City, Bukidnon, noong Mayo 21, 2025. 

Ayon sa mga ulat noong Biyernes, Setyembre 12, nang matimbog ng mga awtoridad ang suspek sa Barangay 1, Malaybalay matapos magbigay ng tip ang ilang mga residente sa lugar.

Nananatili pa rin daw na naaalarma ang mga residente sa Malaybalay noong nagpapagala-gala pa ang suspek bunsod na rin ng banta sa kanilang seguridad matapos mag-viral noon ang ginawa niyang krimen sa social media.

Aminado raw ang suspek sa nagawa niyang pagpatay sa kaniyang 50-anyos na ama, 48-anyos na ina at 14-anyos na kapatid gamit ang maso o sledgehammer.

Probinsya

Minimum wage earners, kasambahay sa Caraga, may umento sa sahod!

Batay sa inisyal na imbestigasyon at salaysay umano ng ilang mga taong malapit sa pamilya ng suspek at mga biktima, maaari umanong nakakaranas ng depresyon ang suspek.

Sinasabing bigo raw makasabay sa graduation ng kaniyang batchmates sa criminology ang suspek dahil sa kaniyang academic issues, na hinihinalang dahilan na pinagdaraanan daw niya.

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek na nahaharap sa mga kasong two counts of parricide at one count of murder.