Nagpahatid ng kaniyang birthday greeting si First Lady Liza Araneta Marcos para sa asawang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong Sabado, Setyembre 13.
“Happy birthday to my partner in everything. So grateful for every laugh, every adventure and every moment we share. Love you to the moon and back!! ,” saad sa kaniyang social media post.
Sa nasabing birthday greeting, kasama ang collage ng kanilang mga throwback, family, at mga kamakailang litrato.
Bumati rin kay PBBM ang kaniyang panganay na si Ilocos Norte 1st district Representative Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos sa kaniyang social media.
“Happy Birthday Pops!” saad sa isang simpleng poster sa kaniyang Facebook page.
Sean Antonio/BALITA