December 13, 2025

Home BALITA

DPWH Sec. Dizon, naghigpit sa media interviews sa DPWH officials

DPWH Sec. Dizon, naghigpit sa media interviews sa DPWH officials
Photo courtesy: via DPWH

Panibagong memorandum ang ibinaba ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon para sa seguridad umano ng mga empleyado at opisyal ng nasabing ahensya.

Ayon sa naturang memorandum, isinasaad nito na ang lahat ng request for media interviews ay kailangang dumaan muna sa kaniyang opisina, maliban na lamang kung may inotorisa siya para magbigay ng pahayag.

"In view of recent developments and concerns, all requests for media interviews and official statements regarding the Department must be directed to the office of the undersigned, unless specific authority has been delegated," anang memorandum. 

Samantala, nilinaw din niya na maaari pa rin daw magbigay ng kasagutan ang sinomang DPWH officials na tatanungin ng media, ngunit kailangan daw malinaw na ang anumang pahayag na ilalabas ng mga tauhan ng DPWH ay hindi kumakatawan sa kanilang ahensya.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Kaugnay ng paghihigpit ng DPWH sa kanilang seguridad, matatandaang iminandato na rin ni Dizon ang hindi pagsusuot ng mga empleydao ng kanilang ahensya ng anumang uniporme.

Ito ay sa kadahilanang nabubully at nahaharass daw ang mga ito dahil nadadamay sa isyu ng korapsyon at anomalya, kaugnay ng mga "ghost" at "substandard" flood control projects.

"Ang pinakamasakit na tinatamaan dito sa lahat ng nangyayaring ito, dahil sa ilang mga masasamang mga tao dito sa DPWH, ay yung mabubuting tao dito sa DPWH na mas nakararami," saad ni Dizon.

"Kawawa naman sila. Pag sumasakay sila sa MRT, sa jeep, sa bus, naka-DPWH uniform sila, hina-harass sila,” dagdag pa.

KAUGNAY NA BALITA: DPWH employees, nabubully, nahaharass kaya 'di muna pinagsusuot ng uniporme