Bumuwelta ang bashers ni Cavite 4th district Rep. Kiko Barzaga matapos niyang gumawa ng ingay hinggil sa paglaban umano niya kay House Speaker Martin Romualdez at sa korapsyon sa gobyerno.
Binakbakan ng ilang netizens ang mga umano’y larawan ni Barzaga na nagkalat sa social media na nagpapakita raw ng marangyang buhay ng nasabing kongresista na anila’y isa ring “nepo baby.”
Maki-Balita: ALAMIN: Ang terminolohiyang 'nepotismo' at pag-usbong ng 'nepo babies'
“Masyado sumasapaw, crocs ka din pala!”
“Teh dapat iniimbestigahan din pamilya mo.”
“Anak ng mga trapo ‘yan sa Dasma, Cavite!”
“May corruption issue din naman pamilya niyan sa etivac.”
“Basta galing political dynasty, magduda ka na.”
“The very own nepo baby ng Dasma!”
“The role is nepo baby na mulat hahahha.”
“Papansin lang ‘yan!”
“Sabi na nga ba may lulutang din na resibo, ingay n’ya kasi eh.”
Si Kiko ay anak nina dating Cavite 4th district Rep. Pidi Barzaga at Dasmarinas City, Cavite Mayor Jenny Barzaga. Bago pasukin ang Kongreso, nauna na siyang maging Konsehal. Nitong May 2025 elections, tatlong Barzaga ang kasalukuyang nakaupo sa iba’t ibang posisyon. Si Kiko bilang kongresista, ang ina niyang si Jenny bilang alkalde at kapatid na si Thirdy Barzaga bilang Vice Mayor.
Matatandaang nagpaulan nang magkakasunod na tirada si Kiko laban kay House Speaker Martin Romualdez matapos siyang magbitiw sa kanilang partido at umalis sa mayorya ng Kamara.
Paliwanag pa ni Barzaga, bunsod ng pagkalas niya sa sariling partido at pag-alis sa mayorya ng Kamara—mas mamarapatin na raw niyang suportahan na maimbestigahan si Romualdez, na minsan lang daw niyang sinuportahan bunsod na rin ng utos ng kaniyang partido.
KAUGNAY NA BALITA: Cavite solon na iniugnay sa pagpapatalsik kay Speaker Romualdez, kumalas sa majority bloc
"I supported Speaker Romualdez due to this, though now that I am free from my party’s constraints, I suggest that he must be investigated for any anomalies involving Flood Control Public Funds," aniya pa.
KAUGNAY NA BALITA: Rep. Barzaga, suportadong paimbestigahan si Romualdez sa isyu ng flood control projects