December 13, 2025

Home BALITA

‘Sumama sa protesta kung ‘di takot kay Romualdez’ Rep. Barzaraga hinamon si Sen JV

‘Sumama sa protesta kung ‘di takot kay Romualdez’ Rep. Barzaraga hinamon si Sen JV
Photo courtesy: Kiko Barzaga/FB, JV Ejercito/FB

Sinupalpal ni Cavite 4th district Rep. Kiko Barzaga ang Facebook post ni Sen. JV Ejercito matapos niya itong hamunin sa comment section.

Bagama’t wala tinutukoy na kahit na ano, laman ng naturang FB post ni Ejercito noong Huwebes, Setyembre 11, 2025 ang iba’t iba umanong emosyon.

“Nakakagulat, nakakalula, nakakagalit at nakakalungkot. Nakakahiya na!” saad ni Ejercito.

Samantala, binulaga naman ni Barzaga sa naturang post si Ejercito at hinamong dumalo raw sa mga kilos-protesta upang ipakitang hindi siya takot kay House Speaker Martin Romualdez.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

“Sama ka sa protesta kung ‘di ka takot kay Romualdez,” anang mambabatas na sinamahan pa ng hahstag na #PhilippinesVsRomualdez.

Ito ang ikalawang pagkakataon na pinaandaran ni Barzaha ang isang senador matapos naman niyang patutsadahan sa FB post si Senate President Tito Sotto III.

Sa kaniyang Facebook post nitong Huwebes, Setyembre 11, 2025, iginiit ni Barzaga na pawang ang mga Discaya lamang daw ang kinakaya ni Sotto at hindi raw si Romualdez.

"Discaya lang ang kaya mo, takot ka kay Romualdez," saad ni Barzaga.

Kaugnay nito, matatandaang noong Miyerkules, Setyembre 10, nang salagin ni Sotto ang naunang patutsada sa kaniya ni Barzaga na nalilimitahan umano ang imbestigasyon sa isyu ng flood control projects dahil sa pagkakaibigan nila ni Romualdez.

"There are many points he is missing. I’ve been a longtime friend of Martin Romualdez, Toby Tiangco, Albee Benitez, Benny Amante, Leila De Lima, Caloy Zarate, Paolo Duterte etc etc and many oldtimers in the HOR," ani Sotto.

KAUGNAY NA BALITA: Boldyak ni Barzaga kay Tito Sen: 'Discaya lang kaya mo, takot ka kay Romualdez!'