January 05, 2026

Home BALITA

Ombudsman, ibinasura na umano kasong isinampa ni Sen. Imee laban kina DOJ Sec. Remulla at iba pa

Ombudsman, ibinasura na umano kasong isinampa ni Sen. Imee laban kina DOJ Sec. Remulla at iba pa
Photo courtesy: Contributed photo

Nagkalat ngayon sa social media ang larawan ng umano’y desisyon ng Ombudsman na ibasura ang reklamong isinampa ni Sen. Imee Marcos laban sa matataas na opisyal ng bansa.

Batay sa nagkalat na kopya na mula umano sa Ombudsman mababasa ang listahan ng mga opisyal na sina Justice Secretary Boying Remulla, Interior and Local Government Sec. Jonvic Remulla, dating Police Chief Francisco Marbil, dating Police Chief Nicolas Torre, Special Envoy Transnational Crime Markus Lacanilao, Richard Fadullon, Prosecutor General at Justice Undersecretary Nicholas Felix Ty.

Bagama’t walang ibang nakalagay na desisyon sa nasabing kumakalat na papel sa social media nitong Biyernes, Setyembre 12, 2025, naglabas ng pahayag si Sen. Imee at iginiit na naghain na raw siya ng motion for reconsideration sa Ombudsman, bagama’t wala pang verified copy ng desisyon ng Ombudsman hinggil sa kaso nina Remulla. 

“May kaso pa rin si Sec. Boying Remulla dahil nag-file ako ng Motion for Reconsideration of the Joint Resolution of the Office of the Ombudsman na nagbabasura sa mga kaso laban kay Secretary Boying Remulla at iba pa,” ani Marcos.

Metro

‘Traffic Advisory’ sa Translacion 2026, inilatag na para sa mga deboto at motorista

Ayon pa sa senadora, nakasaad umano sa batas na maaaring maghain ng motion for reconsideration sa loob ng limang araw matapos daw matanggap ang naturang desisyon.

“Inihain ko ang aking mosyon sa mismong araw na inilabas ang desisyon. Malinaw na naisampa ito nang nasa tamang oras,” saad ng senadora.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na kumpirmasyon o opisyal na kopya ng kanilang desisyon ang Ombudsman.

Matatandaang noong Mayo 2025 nang tuluyang magsampa ng reklamo sa Ombudsman si Sen. Imee laban sa limang top official government, kabilang si Justice Secretary Remulla na nagsumite rin ng aplikasyon sa pagka-Ombudsman.

KAUGNAY NA BALITA: DOJ Sec. Remulla, inaasam posisyon sa Ombudsman: 'I have a lot to offer there!'

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Imee, inireklamo 5 top gov’t officials na sangkot sa pag-aresto kay FPRRD

Isumite ni Sen. Imee sa Ombudsman ang reklamo sa ilang matataas na opisyal ng gobyerno, partikular na ang ilang miyembro ng gabinete dahil sa umano'y pinagtatakpang paglabag sa ginawang pag-aresto kay dating Pangulong Duterte na tinawag ng senadora na "criminal and administrative offenses."

KAUGNAY NA BALITA: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD