December 13, 2025

Home BALITA

Magkaibang pahayag nina Kitty Duterte at Nicholas Kaufman sa kalusugan ni FPRRD, inintriga!

Magkaibang pahayag nina Kitty Duterte at Nicholas Kaufman sa kalusugan ni FPRRD, inintriga!
Photo courtesy: Contributed photo

Umami ng samu’t saring mga reaksyon mula sa netizens ang naging pahayag ng defense team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa kaniya umanong kalusugan.

Ayon sa International Criminal Court (ICC) noong Huwebes, Setyembre 11, 2025, nag-request daw ang kampo ni dating Pangulong Duterte para sa “indefinite adjournment” ng pagdinig ng kasong kinahaharap nito na crimes against humanity.

Laman ng nasabing hiling ng kampo ni Duterte ang pahayag ng kaniyang lead counsel na si Atty. Nicholas Kaufman, hirap na raw maiproseso ng dating Pangulo ang mga importanteng impormasyon katulad ng kaniyang kaso at mga anak.

“With his impaired memory and concomitant inability to retain new information or to recall events, places, timing or even members of his close family and defense team, Mr Duterte is unable to fully understand the nature and implications of the proceedings conducted against him,” ani Kaufman.

Truly blessed! VP Sara, thankful sa mga DDS na alam ang paninira at katotohanan

Dagdag pa ni Kaufman, hindi na raw kakayanin ni Duterte na dumalo pa sa anumang legal proceedings ng kaniyang kaso.

“His deficient memory also entails an inability to follow the litigation and to make informed decisions. Consequently, and crucially, Mr Duterte is unable to contribute to his own defence, rendering his participation in the proceedings totally ineffective,” saad ni Kaufman.

Samantala, matatandaang noong Martes lamang, Setyembre 9, nang ibahagi ng anak ng dating Pangulo na si Kitty Duterte na nasa maayos umanong kondisyon ang kaniyang ama, sa kabila ng pagiging 80 taong gulang nito.

“He is 80... of course, ‘pag 80 ka you have a lot of ailments - masakit yung likod, may diabetes... I think yung mga normal ailments ng 80 years old. Hindi naman yung something na we really have to worry about. For an 80 years old, he's pretty strong. No reason to worry,” ani Kitty.

Bunsod nito, marami tuloy ang nakapansin ng tila magkaibang pahayag ng mismong anak at defense team ni Duterte.

“Mag usap muna kayo sa GC ni Atty. What The HAGUE!”

“Sino kaya nagsasabi ng totoo Kitty? o si Atty?”

“Hindi na-briefing si Kitty! HAHAHHAA”

“Palusot lang ni kaufmann yan para maawa si BBM sa kaniya.”

“Si Juan Ponce Enrile nga 100, plus yrs old. na malakas pa at Sharp pa siya.”

“Pati sa The Hague nag mekus-mekus.”

“Baka naman sinabi lang ‘yan ni Kitty para ‘di tayo mag-alala.”

“Jusko eh kailan ba naging honest ang kahit na sino sa mga Duterte?”

“Diskarte ng abogado n’yo ay bulokers.”

“Isali n’yo kasi sa group chat HAHAHA”

“80 years old eh, malamang mabilis talaga magbabago health niyan.”

Samantala, kamakailan lang nang kumpirmahin ng ICC ang pagpapaliban sa confirmation of charges hearing ni Duterte na dapat sana’y nakatakdang isagawa sa Setyembre 23.