Tila natunaw ang puso ng mga netizen sa video ng isang lalaking naluha matapos ibigay ang regalo sa jowa nito para sa kanilang monthsary.
Sa TikTok post ni “Jam” kamakailan, mapapanood sa video na kasama niyang kumakain sa isang fast food chain ang jowa niyang si “Louie.” Kinunan nila ang sandali ng pagbibigay nila ng regalo sa isa’t isa.
Makikitang inilabas ni Louie mula sa bag niya ang hairclip, photo keychain at bracelet. Nang makita niyang masaya si Jam matapos niyang maibigay ang mga ito, naging emosyunal siya.
Tanong tuloy ni Jam, “Bakit naiyak ka?”
“Kaunti lang ‘to, e,” sagot ni Louie.
Umani tuloy ang video ni Jam ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"i don't understand why some of the guys always tell "I can't afford buying 'expensive' stuffs for you, even tho i want to" wherein we're not actually asking for expensive one. We girls— appreciates even the simplest thing u could give, because its not about the thing u gave but the thought of giving something to your girl means a lot for us. Trust me, give us paper rings and we'll treasure it for the rest of our lives. Because its the thoughts that lasts, not the cost."
"ngayon ko lang naranasan mainggit habang tumatae, paabot nga ng fries teh"
"happy to see men winning in love"
"Hindi nyo ba kakainin yung fries, akin nalang kung ayaw nyo"
"te wag mo hiwalayan! samahan mo hanggang sumakses kayo pareho! I can see young sergeybin&elma, cong tv&vy!"
"The fact that he cried thinking that those gifts he gave you wasn’t enough, but you know to yourself girl na sobra sobra pa yung binibigay niya. It’s not about the material things e, but on how he treats you and love you. Alagaan niyo ang isa’t-isa"
"I can see sa mata ni bro na masaya siya and excited na ibigay ‘yung mga ‘yun pero may kaba na baka hindi siya ma-appreciate. Luckily, he’s with an appreciative woman."
Sa kasalukuyan, umabot na sa 156.7k likes at 1.1M views ang video na ibinahagi ni Jam. Tila totoo nga ang kasabihan, “It’s not the gift, but the thought that counts.” Stay strong, love birds!