December 16, 2025

Home OPINYON Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: Sa harap ng mga pagsubok, ika’y may gabay

#KaFaithTalks: Sa harap ng mga pagsubok, ika’y may gabay
Photo courtesy: Unsplash

“Ang magmahal sa utos mo'y mapayapa yaong buhay, matatag ang taong ito at hindi na mabubuwal.” - Mga Awit 119:165

Ang pagsunod sa Diyos ay maihahalintulad sa isang makipot na pintuan at makitid na daan dahil kakaunti lamang ang dumadaan dito. 

Ito’y dahil sa mundo, mayroong mga temptasyon na nakapagbibigay ng mga panandaliang saya at kaginhawaan ngunit ito’y nagdudulot ng kapahamakan at kamatayan. 

Habang hindi madali ang paglakad sa daan na inilaan ng Panginoon para sa atin, tinitiyak Niyang hindi tayo nag-iisa.

Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: Ang Diyos na nagluluksa para sa atin

Sa mga pagsubok na kahaharapin sa pagsunod sa Kaniya, sinisigurado Niyang ang mga paa nati’y hindi mabubuwal dahil sa presensiya Niyang nakabalot sa atin. 

Kung kaya, huwag magsasawa na tawagin Siya at gumawa nang tama. 

Dahil sa pagsunod sa Panginoon, mayroong kaginhawaan at mga biyaya, sa buhay na ito, at sa susunod pa. 

Sean Antonio/BALITA