December 13, 2025

Home BALITA

Cong. Ridon, Sen. Jinggoy, move-on na sa girian nila sa social media?

Cong. Ridon, Sen. Jinggoy, move-on na sa girian nila sa social media?
Photo courtesy: screengrab HOR, via MB

Nilinaw ni Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon na kapuwa burado na raw ang palitan nila ng social media posts ni Sen. Jinggoy Estrada.

Sa panayam sa kaniya ng ANC na ibinahagi ng ABS-CBN News sa kanilang Facebook page nitong Biyernes, Setyembre 12, 2025, iginiit ni Ridon na move-on na umano sila ni Estrada sa nasabing girian nila sa social media.

“I think as of last night, Senator Jinggoy has already taken down his post and I have taken down my post as well. Because through intermediaries, we just decided to finish the problem and move on to more important things to serve the nation,” saad ni Ridon.

Nagpasalamat din si Ridon kay Estrada sa pagtanggal daw ng social media post laban sa kaniya.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

“Nagpapasalamat po ako sa kaniya, dahil tinanggal na po niya yung post, at correspondingly, ako po tinanggal ko rin po yung mga post tungkol sa bagay na ‘yon,” anang mambabatas.

Matatandaang gumawa ng ingay sa social media ang posts nina Ridon at Estrada hinggil sa kani-kanilang resibo sina Sen. Jinggoy Estrada at Bicol Saro Rep. Terry Ridon hinggil sa kredibilidad nila sa isyu ng flood control projects.

Sa Facebook post ni Estrada noong Miyerkules, Setyembre 10, 2025, ibinahagi niya ang larawan ng yearbook nina Ridon at Department of Public Works and Highways (DPWH) Engineer Brice Hernandez.

“Safe kaya tayo sa kanila?” ani Jinggoy sa caption.

Habang nitong Huwebes din, nang tila gantihan naman ni Ridon ng isa pang FB post si Jinggoy kung saan nakalatag ang mugshot noon ng senador hinggil sa kinasangkutan niyang PDAF scam, katabi ang kaniyang larawan na yearbook na nauna nang ibinalandra ng nasabing senador.

“You’ll be safe here,” saad ni Ridon sa caption.

KAUGNAY NA BALITA: 'Kanino mas safe?' Sen. Jinggoy, Rep. Ridon, nagbardagulan sa social media