January 26, 2026

Home BALITA

Rank No. 4 ‘Most Wanted Person’ ng Rizal, timbog sa Antipolo City

Rank No. 4 ‘Most Wanted Person’ ng Rizal, timbog sa Antipolo City
Photo courtesy: Rizal Police Provincial Office (FB)


Nahuli na ng pulisya sa Antipolo City ang Rank No. 4 Provincial Level Most Wanted Person ng Rizal.

Ibinahagi ng Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO) sa kanilang Facebook post nitong Huwebes, Setyembre 11, na nasakote na ng awtoridad ang Rank No. 4 most wanted ng lalawigan.

Sa operasyong pinasinayaan ng Tracker Team ng Antipolo Component City Police Station, naaresto si Alyas FREDO, 43 taong gulang, residente ng Brgy. San Jose, Antipolo City, Rizal noong Miyerkules, Setyembre 10, dakong 4:30 ng hapon.

Timbog si alyas FREDO sa bisa ng Warrant of Arrest na inihain ng Family Court, Branch 17 ng Antipolo City, sa tatlong counts ng Acts of Lasciviousness, na may kaugnayan sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Ang reklamong kinahaharap ni alyas FREDO ay may nakalaang ₱200,000 piyansa kada kaso.

Nasa kustodiya na ng Antipolo Component City Police Station ang akusado para sa tamang disposisyon at dokumentasyon.

Ayon sa Rizal PPO, ang pagkakadakip kay alyas FREDO ay patunay ng walang-tigil na pagkilos ng awtoridad upang tiyakin ang kaligtasan sa komunidad.

“Ang matagumpay na pagkakaaresto kay alyas FREDO ay patunay ng patuloy na kampanya ng kapulisan ng Rizal laban sa mga most wanted persons at kriminalidad upang matiyak ang kaligtasan at kapayapaan sa lalawigan,” ani Rizal PPO.

Vincent Gutierrez/BALITA

National

Ogie Diaz, pinalagan sinabi ni Greco Belgica na hayaan mga 'tunay na lalaki' sa gobyerno