December 13, 2025

Home BALITA

PNP, ready na raw kung sakaling matulad ang Pinas sa protesta sa Nepal, Indonesia

PNP, ready na raw kung sakaling matulad ang Pinas sa protesta sa Nepal, Indonesia
Photo courtesy: file photo

Inihayag ni Philippine National Police (PNP) acting chief Jose Melencio Nartatez Jr., na nakahanda na raw ang kapulisan kung sakaling pumutok ang marahas na kilos-protesta sa Pilipinas, kagaya ng nangyari sa Indonesia at Nepal.

Sa ambush interview ng media kay Nartatez nitong Huwebes, Setyembre 11, 2025, iginiit niyang may security plans na raw ang PNP kung sakaling sumiklab ang nasabing senaryo.

“We have readied our security plans for dispersal, crowd management, and security. Mayroon na tayong security plans that have been set,” saad ni Nartatez.

Dagdag pa niya, “We also have our information na puwede nating pagtuunan or itong information na ito, this is the basis for for any operation.”

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Samantala, sa hiwalay na pahayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO), siniguro nitong nakahanda raw nilang panatilihin ang kaayusan at kapayapaan sa bansa, bagama’t hindi raw nila kukunsintihin ang ang sinomang lalabag sa batas.

“The NCRPO assures the public that we are fully prepared to maintain peace, order, and security amid that ongoing and upcoming protest actions across Metro Manila,” saad ng NCRPO. 

Anila, “While we exercise maximum tolerance, we will not allow any violation of the law.”

Matatandaang naging laman ng social media ang nangyaring kilos-protesta ng mga mamayan ng Indonesia at Nepal matapos umano nilang almahan ang malawakang korapasyon ng mga mambabatas sa kanilang bansa.