Inilahad ng Pamilya Marcos ang kani-kanilang pagbati sa pagdiriwang ng kaarawan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ngayong Huwebes, Setyembre 11.
Ngayong taon, ginugunita ang ika-108 na anibersaryo ng pagsilang kay “Apo Lakay.”
Ibinahagi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw ang legasiya ng kaniyang ama.
“Whenever we commemorate the life of Ferdinand E. Marcos, what we always can see and what is always spoken of is the great legacy that he has left us. It is a legacy of service. It is a legacy of sacrifice,” ani PBBM.
Ngayong Huwebes, Setyembre 11, ay nasa Batac City, Ilocos Norte si PBBM upang pangunahan ang komemorasyon ng ika-108 kaarawan ng kaniyang ama.
Ibinahagi rin ni Senadora Imee Marcos, ang panganay na anak ni dating Pangulong Marcos Sr., sa kaniyang Facebook post ang kaniyang pagbati sa kaarawan ng ama. Aniya, ito raw ay ang kaniyang inspirasyon sa paglilingkod sa bayan.
“Maligayang kaarawan sa pinakadakilang Ilokano para sa akin, ang aking ama at inspirasyon sa paglilingkod sa bayan, dating Presidente Ferdinand Marcos Sr.,” ani Marcos.
Ibinahagi rin ng bunsong anak na si Irene Marcos Araneta ang kaniyang pagbati sa ama gamit ang kaniyang Facebook account.
“Happy 108th Birthday sa aming nag-iisang Apo Lakay!” aniya kalakip ang kanilang litrato habang sila ay bata pa, kasama ang kanilang mga magulang.
Maging si Vice Governor ng Ilocos Norte na si Matthew Marcos Manotoc at si Ilocos Norte First District Representative Sandro Marcos ay inilahad din ang kanilang pagbati sa kaarawan ng kanilang lolo.
“Today, we mark the 108th Birth Anniversary of former President Ferdinand E. Marcos Sr., remembered in Ilocos Norte as Apo Lakay. Beyond his titles, he remains a figure who shaped the nation’s history and whose legacy continues to invite reflection on leadership, vision, and service,” ani Manotoc.
“His memory calls on us to honor the past while remaining steadfast in the pursuit of a stronger and brighter future for the Philippines,” dagdag pa niya.
“Happy 108th birthday, Apo Lakay!” saad naman ni Sandro sa post.
Nagpaabot din ng pagbati ang pamangkin ni Apo Lakay na si Keon Michael Marcos sa kaniyang ika-108 na kaarawan.
“Happy birthday to my Tito in Heaven, former President of the Philippine Republic, President Ferdinand Edralin Marcos. Thank you for all the support you gave me in the creation of Project Gintong Alay and for your continued support throughout the years (1979 to 1986),” aniya.
Dagdag pa niya, “Your patience, dedication and your commitment to Philippine Sport during your time in office has left a lasting legacy. Agyamanak Apo!”
Vincent Gutierrez/BALITA