December 14, 2025

Home BALITA National

MMDA, gumamit na ng body cam para sa NCAP

MMDA, gumamit na ng body cam para sa NCAP
Photo courtesy: PNA (website), MMDA (FB)

Nagsimula nang gumagamit ng body cameras ang mga taga-Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) bilang pagsuporta sa implementasyon ng No Contact Apprehension Policy (NCAP). 

Sa press conference ng MMDA sa kanilang head office sa Pasig City noong Miyerkules, Setyembre 10, inilahad ni MMDA Chairman Atty. Don Artes na ang bagong buong grupong Swift Traffic Action Group (STAG) ay magsusuot ng mga body camera bilang real-time monitoring at documentation ng kanilang on-the-ground operations. 

“The use of body-worn cameras is part of the innovations for the NCAP. It will initially cover key Metro Manila thoroughfares and designated Mabuhay Lanes. Eventually, we will expand the coverage once the ban on street parking in Metro Manila is approved,” aniya. 

At bukod sa layon na pag-iimplementa ng mga mas mahigpit na batas- trapiko gamit ang modernong teknolohiya, kasama rin dito ang pag-iwas sa mga potensyal na away sa mga motorista at traffic enforcers sa kasagsagan ng road clearing operations. 

National

Sen. Robin, 'di na trip tumakbo sa Halalan 2028

Ang STAG, sa pangunguna ni Traffic Operations Officer IV Edison “Bong” Nebrija ay mag-iimplementa rin ng buddy system sa kasagsagan ng mga road clearing operation, ang isa ay mayroong suot na camera habang ang isa naman ay naatasang magbigay at mag-record ng notice of violation. 

"All STAG personnel have undergone comprehensive training on the proper use of the devices, adherence to data privacy protocols, and compliance with standard operating procedures to ensure lawful and ethical use," pagsasaad ni Artes. 

Ipinaliwang din niya na ang paunang implementasyon ng anti-illegal parking operations ay pangungunahan ng STAG, at matapos ang isang linggo, ang lugar na ito ay sasailalim sa reassessment na gagawin naman ng Special Operations Group - Task Force para sa Road Clearing (SOG-TFRC), para masigurado ang patuloy na pagsunod sa inisyatibo at patuloy na mag-implementa ng kinakailangan pang mga clearing operation. 

Nilinaw ni Artes na walang magaganap na overlapping sa mga magiging katungkulan ng dalawang grupong nabanggit, dahil ang STAG ay nakatuon sa NCAP gamit ang body cameras habang ang SOG-TFRC ay ang naatasang magsagawa ng physical clearing sa mga naka-illegal parking na sasakyan. 

“If a driver is present, the notice of violation will be handed directly to them. If no driver is present, the notice will be placed on the vehicle’s windshield,” dagdag pa nito. 

At matapos ang bawat STAG operation, lahat ng body camera ay ibabalik ng mga personnel sa kanilang docking stations, kung saan, ang high-definition footage ay naka-upload sa MMDA Communications and Command Center.

At lahat ng mga na-record na apprehension ay sasailalim sa manual review ng NCAP personnel. 

Sa kaugnay na ulat, sa isinagawang pag-aaral noong Setyembre 8, mayroong 65,918 na violation ang nabilang gamit ang NCAP, kung saan, 36,255 na ang na-validate. 

Sean Antonio/BALITA