December 13, 2025

Home BALITA

Lacson, aminadong manipis bilang majority sa 9 na minority; baka raw makudeta si SP Sotto?

Lacson, aminadong manipis bilang majority sa 9 na minority; baka raw makudeta si SP Sotto?
Photo courtesy: Senate of the Philippines

Ibinahagi ni Senate President Pro Tempore Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang naging pag-uusap daw nila ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

Sa kaniyang press conference nitong Huwebes, Setyembre 11, 2025, iginiit niyang masyado umanong mababa ang bilang ng mayorya ng Senado na nagpahayag nang pagsuporta kay Sotto.

“Sabi ko ‘15 tayo, 9 sila, huwag mong menosen yung 9.’ And ang attitude ng ating Senate President, 'Huwag nating balewalain kasi kapuwa natin mga senador 'yan."

Pagbabahagi pa ni Lacson, “‘Tratuhin natin sila, ikaw, kasi you are the Senate President of the entire Senate, of all the entire 23 senators,’ and he agreed. Ganiyan naman talaga yung attitude n'ya. Na hindi pupweding Senate President ka, [eh] Senate President ka lang ng majority.”

Truly blessed! VP Sara, thankful sa mga DDS na alam ang paninira at katotohanan

Hindi rin daw maiwasan isipin ni Lacson ang posibilidad na sila naman ang makudeta ng kapuwa nila mga senador dahil sa nananatili nilang bilang sa mayorya.

“Pero eto pa yung isa with a warning. Manipis yung 15 against 9. Baka bukas makalawa, ikaw naman yung kinu-coup,” anang senador.

Matatandaang noong Lunes, Setyembre 8, nang magkasa ng Senate coup ang ilang mga senador at tiluyang pinatalsik sa pagka-Senate President si Sen. Chiz Escudero.

KAUGNAY NA BALITA: 'Veteran bloc' dinomina liderato ng Senado; Sotto, Lacson, Zubiri, pumosisyon!

Narito ang listahan ng Senate Majority bloc:

Senator Tito Sotto (Senate President)

Senator Ping Lacson (Senate President Pro Tempore)

Senator Miguel Zubiri (Senate Majority Leader)

Senator Risa Hontiveros (Deputy Majority Leader)

Senator JV Ejercito (Deputy Majority Leader)

Senator Loren Legarda

Senator Bam Aquino

Senator Pia Cayetano

Senator Win Gatchalian

Senator Lito Lapid

Senator Kiko Pangilinan

Senator Erwin Tulfo

Senator Raffy Tulfo

Senator Camille Villar

Senator Mark Villar

Habang narito naman ang 9 na mga senador na bumubuo sa Senate Minority bloc:

Senator Alan Peter Cayetano (Senate Minority Leader)

Senator Rodante Marcoleta (Deputy Minority Leader)

Senator Joel Villanueva (Deputy Minority Leader)

Senator Chiz Escudero

Senator Imee Marcos

Senator Jinggoy Estrada

Senator Robin Padilla

Senator Bato Dela Rosa

Senator Bong Go