Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang Iba, Zambales nitong Huwebes ng tanghali, Setyembre 11.
Sa tala ng PHIVOLCS, nangyari ang lindol bandang 2:09 PM sa Iba, Zambales na may lalim ng 17 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Naitala ang instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity IV - Iba, Cabangan Zambales
Intensity III - Masinloc, Zambales
Intensity II - San Marcelino, Botolan Zambales
Intensity I - Dinalupihan, Bataan; Marikina City; Navotas City; San Fernando, Guagua Pampanga; Dagupan City; Santa Ignacia, Tarlac; Subic, Zambales.
Samanwala, wala namang inaasahang pinsala at afterschocks kasunod ng malakas na lindol.