December 13, 2025

Home BALITA National

DPWH employees, nabubully, nahaharass kaya 'di muna pinagsusuot ng uniporme

DPWH employees, nabubully, nahaharass kaya 'di muna pinagsusuot ng uniporme
Photo courtesy: DPWH (FB)

Mula mismo kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang direktibang huwag munang pagsuutin ng kanilang prescribed uniform ang mga empleyado ng kagawaran.

Ito ay sa kadahilanang nabubully at nahaharass daw ang mga ito dahil nadadamay sa isyu ng korapsyon at anomalya, kaugnay ng mga "ghost" at "substandard" flood control projects.

Ang nabanggit na memorandum ay inilabas ni Dizon noon pang Martes, Setyembre 9.

Sa panayam ng ABS-CBN News kay Dizon nitong Huwebes, Setyembre 11, sinabi niyang mismong mula sa union nanggaling ang hiling na huwag muna silang magsuot ng uniporme matapos daw makaranas ng mga panlilibak mula sa mga tao.

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

"Ang pinakamasakit na tinatamaan dito sa lahat ng nangyayaring ito, dahil sa ilang mga masasamang mga tao dito sa DPWH, ay yung mabubuting tao dito sa DPWH na mas nakararami," saad ni Dizon.

"Kawawa naman sila. Pag sumasakay sila sa MRT, sa jeep, sa bus, naka-DPWH uniform sila, hina-harass sila,” dagdag pa.

Sa kabilang banda, kahit na hindi nakasuot ng uniform, inaasahan pa ring presentable ang mga empleyado kapag papasok sila sa tanggapan at naka-duty na.