Nagsanib-puwersa ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) bilang pagpapaigting ng kampanya para sa ligtas na cyberspace para sa bawat Pilipino.
Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang pagtutulungang ito ng mga ahensya, kasama ang ilang social media at online selling platforms, ay naglalayong paigtingin ang laban ng gobyerno sa pagbebenta ng mga ipinagbabawal na produkto online.
"Bilang tugon sa mga natatanggap naming sumbong sa ating social media platforms, nakipag-usap kami sa mga social media platforms katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan upang pag-usapan ang mga bagay na hindi dapat nag-cicirculate sa internet. Ito po ang initiative ng DICT, together with the whole government,” pagbabahagi ni DICT Sec. Henry Aguda sa kanilang press conference kamakailan.
Idinagdag naman ni CICC Acting Executive Director Atty. Renato Paraiso na nagpapatupad ng “zero tolerance policy” ang CICC sa usapin ng online harms.
"Our social media and online selling platforms have agreed and complies on this directive. May mga self-sweeping mechanisms sila pagdating sa mga bagay na ito kabilang ang child pornography at deep fake," segunda ni Paraiso.
Dahil dito, nagbahagi rin ng pasasalamat si Department of Trade and Industry Assistant Secretary Valdez III sa tiwalang ibinigay ng DICT at CICC sa kanilang ahensya para maisakatuparan ang digital trading.
“We launched the eCommerce Philippine Trustmark, a regulatory authority on the internet for ecommerce. This will ensure safety by avoiding substandard products and mitigate fraud and scams online,” pagbabahagi ni Valdez II.
Ang nasabing press conference ay dinaluhan at sinuportahan ng mga ehekutibo mula sa mga online at social media platforms na sina Phillip Fullon, Government and Political Affairs Consultant ng Shopee PH; Yves Gonzales, Head of Public Policy ng TikTok PH; at Bobby Khan, Public Sector Lead ng Google Philippines.
Sean Antonio/BALITA