December 13, 2025

Home BALITA Politics

Barbers, iginiit na walang rason para magbitiw si Romualdez sa posisyon: ‘It makes no sense!’

Barbers, iginiit na walang rason para magbitiw si Romualdez sa posisyon: ‘It makes no sense!’
Photo courtesy: Contributed photo

Nilinaw ng dating mambabatas at ngayo'y House Speaker Spokesperson Ace Barbers na wala umanong mangyayaring pagbibitiw sa puwesto sa liderato ng Kamara.

Sa panayam ng media kay Barbers noong Miyerkules, Setyembre 10, 2025, iginiit niyang nananatili umano ang malaking pagsuporta ng mga kongresista kay House Speaker Martin Romualdez.

"There's no reason for the Speaker to resign or step down," ani Barbers.

Dagdag pa niya, "Majority of the members of Congress has again thrown their support to him, believing in his leadership."

Politics

'Ninakaw nila ang Pasko!' Sen. Imee, ibinalandra pulang bag na buwaya

Paglilinaw pa ni Barbers hinggil sa umuugong na panawagan umanong patalsikin sa posisyon si Romualdez, iginiit niyang wala pa raw sa 10 katao ang nagtutulak nito at nananatiling malaking pursyento pa rin ng Kamara ang nakasuporta sa House Speaker.

"Kung mayroon man, it makes no sense sa'kin. It doesn't really make sense... Kasi bakit? Habang 90% ng kasamahan mo ay naniniwala at sumosuporta sa'yo, then you will resign? Bakit?" saad ni Barbers.

Giit pa ni Barbers wala raw sa kahit na anong plano ng House of Representatives na magpalit ng kanilang liderato at maging si Romualdez raw ay wala ring planong mag-resign.

"Walang planong mag-resign, walang planong pagtatanggal, wala ring planong magkaroon ng palit ng liderato," ani Barbers.

Matatandanag umusbong ang mga isyu hinggil sa pagbibitiw at pagpapatalsik kay Romualdez matapos siyang mapangalanan kasama ng ilan pang kongresistsang may kaugnayan umano sa pamumorsyento sa halaga ng kontrata ng mga Discaya sa flood control projects.

KAUGNAY NA BALITA: Ilang DPWH offcials, pumuporsyento sa mga Discaya para umano kina Romualdez at Co