Binakbakan ng Filipino professional Tennis player na si Alex Aela ang pambato ng Argentina na si Julia Riera sa set scores na 6-1 at 6-4.
Ginanap nitong umaga ng Huwebes, Setyembre 11, 2025 (oras sa Pilipinas) ang naging laban sa pagitan ni Eala at Riera sa round 16 ng WTA 250 São Paulo Open sa Brazil.
Maagang rumatsada sa first set si Eala at tinambakan si Riera sa iskor na 6-1.
Samantala sa second set, unang nakalamang ang world no. 188 na si Riera ng dalawang set habang isa pa lang ang naipapanalo ni Eala dahilan para maging 2-1 ang kanilang set scores.
Hindi naman hinayaang ni Eala na patuloy na pumabor ang laban nila sa kaniyang katunggali at nagtala siya ng tatlong magkakasunod na panalo dahilan para maging 4-2 ang set scores sa second set ng laban nila.
Sa pagpapatuloy ng laban ng dalawa, nagawang makabawi ni Riera ng isang panalo habang ang sumunod naman ay sa pabor ni Eala.
Nanalo pang muli ng isa si Riera sa ika-siyam (9) na laro nila sa second set ngunit tuluyang nauwi ang set scores nila sa 6-4 na pabor sa pambato ng Pilipinas.
Matapos ang dalawang sunod na panalo, pasok na sa quarterfinals ng torneo si Eala kung saan nakatakda niyang harapin ang pambato ng Indonesia at kasalukuyan ngayong world no. 130 na si Jacie Tjen.
Kasalukuyan ngayong may 59 na panalo at 11 na talo si Tjen sa mga torneong sinalihan niya sa WTA ngayong 2025.
Maghaharap sa quarterfinals ang dalawa sa Biyernes, Setyembre 12, 2025 (araw sa Pilipinas).
KAUGNAY NA BALITA: Alex Eala, umarangkada sa simula ng São Paulo Open
Mc Vincent Mirabuna/Balita