December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Alden may simpleng tirada, flinex ibig sabihin ng 'kuracaught'

Alden may simpleng tirada, flinex ibig sabihin ng 'kuracaught'
Photo courtesy: Alden Richards (IG)

Usap-usapan ang simpleng banat ni Kapuso star at Asia's Multimedia Star Alden Richards hinggil sa kahulugan ng "kuracaught."

Ang salitang kuracaught ay wordplay o pinagsamang salita mula sa "kurakot" na ang ibig sabihin ay katiwalian, at "caught" naman na nangangahulugang nahuli sa akto.

Ibinahagi ni Alden sa kaniyang Instagram story ang isang art card mula sa "Linya Linya."

Binigyang-kahulugan nila ang ibig sabihin ng "kuracaught."

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Mababasa, "Corrupt na opisyal o indibidwal na huling-huli na sa ginagawang walang-habas na katiwalian at pangungurakot."

Photo courtesy: Alden Richards (IG)

Matatandaang mainit na pinag-uusapan ngayon ang pagkakasangkot ng ilang mga contractor, opisyal ng pamahalaan, at mga opisyal at empleyado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa alegasyon ng korapsyon sa maanomalyang flood control projects.

Isa sa mga nasangkot dito ang aktor at Quezon City 1st District Representative na si Arjo Atayde, na mister naman ng dating katambal sa "AlDub" na si Maine Mendoza.

Mariin namang pinabulaanan ni Arjo ang pagkakaugnay niya sa katiwalian, at kinondena ang mga naging pasabog ng contractor na si Curlee Discaya.

Bumuwelta rin laban sa mga paratang si Maine at naglabas ng opisyal na pahayag kaugnay nito.