December 13, 2025

Home BALITA

Takot o Duterte ally? Trillanes, kinuwestiyon kawalan ng aksyon ni Magalong sa scam sa Baguio

Takot o Duterte ally? Trillanes, kinuwestiyon kawalan ng aksyon ni Magalong sa scam sa Baguio
Photo Courtesy: Antonio Trillanes, Benjamin Magalong (FB)

Tila duda si dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes sa pagkatao ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

Sa latest Facebook post ni Trillanes nitong Miyerkules, Setyembre 10, kinuwestiyon niya ang umano’y kawalan ng aksiyon ni Magalong sa rock-netting scam sa Baguio.

“Nung 2022, sinabi ni Mayor Benjie Magalong sakin kung sino ang mga nasa likod ng ₱36 bilyon rock-netting scam sa Baguio/Benguet. Ang tanong bakit hindi nya ito nilalabas hanggang ngayon?” saad ni Trillanes.

Dagdag pa niya, “Takot ba sya o dahil kaalyado nya ang mga Duterte?”

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon si Magalong hinggil sa naturang isyu.

Matatandaang usap-usapan na magiging bahagi umano si Magalong ng independent commission na bubuuin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos para imbestigahan ang anomalya sa likod ng flood control projects.

Bago pa man ito, nagsumite si Magalong sa opisina ng Pangulo ng mga dokumentong naglalaman ng ulat patungkol sa katiwalian ng nasabing proyekto.

Inihayag naman ng Palasyo ang interes nilang makipagdiyalogo sa alkalde ng Baguio.

“Kahit sino po, lalong-lalo na si Mayor Magalong, welcome po ang mayor,” sabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro.

Maki-Balita: PBBM, bukas makausap si Magalong tungkol sa maanomalyang flood control