Isang low pressure area (LPA) ang kasalukuyang minomonitor ng PAGASA, ngayong Miyerkules, Setyembre 10.
As of 8:00 AM, namataan ang LPA sa baybayin ng Vinzons, Camarines Norte.
Ayon sa PAGASA, "unlikely" na maging tropical depression o bagyo ang naturang LPA sa loob ng 24 na oras.
Samantala, asahan ang "light to moderate rains" sa Tarlac, Zambales, at Bataan sa susunod na tatlong oras.
Kasalukuyan namang nararanasan ang naturang lagay ng panahon sa Bulacan, Metro Manila, Batangas, Pampanga, Cavite, Nueva Ecija, Rizal, Laguna, at Quezon, na maaaring tumagal sa loob ng susunod na tatlong oras.