December 13, 2025

Home BALITA National

Kampo ni Atong Ang, naglabas ng pahayag kaugnay sa inisyung subpoena ng DOJ

Kampo ni Atong Ang, naglabas ng pahayag kaugnay sa inisyung subpoena ng DOJ
Photo courtesy: BALITA FILE PHOTO

Naglabas na ng pahayag ang kampo ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang kaugnay sa pagbibigay ng subpoena sa kaniya mula sa Department of Justice (DOJ). 

Sa pamamagitan ni Atty. Gariel Villareal na siyang abogado ni Ang, nagbigay siya ng pahayag ngayong Miyerkules, Setyembre 10 kaugnay sa naging pag-uutos ng ahensya ng DOJ. 

Ayon kay Villareal, tinatanggap umano ng kampo ni Ang ang pagkakaroon ng oportunidad na harapan nilang masagot ang mga mali umanong alegasyon kay Ang ng whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan. 

“We meet with guarded optimism regarding the formal commencement of the preliminary investigation into the case of the so-called “missing sabungeros.” 

National

Sen. Robin, 'di na trip tumakbo sa Halalan 2028

“We welcome the opportunity to respond frontally to the accusations, which have since been shrouded in innuendo and unsubstantiated claims by a Julie “Dondon” Patidongan, who, by evidence we have unearthed in the meantime, appears to have motive to and is the one responsible for the disappearances,” ayon kay Villareal. 

Anila, mga haka-haka lamang umano ang mga isiniwalat ni Dondon dahil naisip umano niyong maaari rin siyang balingan ng mga imbestigador tungkol sa mga kasong may koneksyon sa makontrobersyal na pagkawala ng maraming sabungeros. 

“Realizing that investigators were about to pin him down, he resorted to concocting a fantastic story, putting blame on his superiors and benefactors as his easy way out of his impending imprisonment,” ayon kay Villareal. 

Ipinarating din ni Villareal ang nais sabihin ng kaniyang kliyente na si Ang. 

“Hinahamon ko si Dondon na lumabas na sa likod ng saya ni Secretary Remulla at patunayan niya sa pamamagitan ng ebidensya ang mga akusasyon niya. Paghandaan na rin niya panagutan ang konsikuwensiya ng mga kagagawan niya,” anang Villareal. 

Anila, dumating na raw umano ang tamang pagkakataon para lumabas ang katotohanan sa likod ng pagkawala ng maraming sabungero at makikilala na umano kung sino ang totoong responsable sa misteryong ito. 

“The time for reckoning has come. In time, the truth about the one truly responsible for the disappearances of the “missing sabungeros” will be out,” saad ng abogado. 

Matatandaang ngayong araw din ng Huwebes kumalat ang balita sa paglalabas ng DOJ ng subpoena para sa mga sangkot umano sa “missing sabunguros.” 

KAUGNAY NA BALITA: DOJ, naglabas ng subpoena kina Atong Ang, Gretchen Barretto at iba pa

Sinimulan umano ng DOJ ang paghahain ng subpoena para kina Ang, Gretchen Barretto at iba pang 60 na mga indibidwal noong Miyerkules, Setyembre 9, 2025 hanggang ngayong Huwebes. 

Kasama rin umano sa mabibigyan ng subpoena si dating National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Jonnel Estomo at iba pang 18 bilang ng mga pulis. 

Kapuwa rin nakatanggap ng subpoena mula sa DOJ si Patidongan at kapatid niyang si “Elakim.”

Samantala, hindi pa naglalabas ng pahayag ang aktres na si Gretchen kaugnay sa naging anunsyo ng DOJ sa pag-isyu ng subpoena sa kaniya at marami pang ibang mga indibidwal. 

Mc Vincent Mirabuna/Balita