Naghayag ng interes ang komedyante, TV host, at direktor na si John Lapus na patulan ang sinomang bet
sumailalim sa lie detector test.
Hindi na ito bago para kay John dahil minsan na siyang nagsilbing host noon sa segment na “Don’t Lie To Me” ng talk show na “Showbiz Central” mula 2007 hanggang 2012.
Sa nasabing segment, sumasalang sa lie detector ang celebrity guest ng programa. Kapag natuklasang nagsinungaling ang celebrity, ipapamalas ni John ang buwis-buhay niyang performance.
Kaya naamn sa X post ni John nitong Martes, Setyembre 9, sinabi niyang available umano siya sa mga gustong magpa-lie detector test.
“Available po ako bukas sa mga gusto magpaLie Detector Test. Ty fyi ” saad ni John.
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"mag stretching ka na ms sweeeet at ang mga dancers hahahhaa"
"Nako. Lie detector sa kanya, defibrillator sayo. "
"Teh handa ka ng mapagod? Susko yung nagdare ng Lie Detector akala yata yung mini ome na nagkukuryente ng kamay."
"Game na yan. Kapag naging lie, lulunurin sa baha na may leptospirosis."
"Ahahaha oo nga ikaw naalala ko sa gusto mangyari ni mr senator "
"Ok pa ba yung buto-buto mo? Marami-rami kang ita-tumbling"
"Nakakamiss din itong segment mo ha"
Matatandaang hinamon kahpon ni Senador Jinggoy Estrada si Brice Hernandez, dating Department of Public Works and Highways (DPWH) assistant district engineer, matapos siya nitong ikanta na kabilang umano sa dalawang senador na sangkot sa maanomalyang flood control projects.
“I challenge him. LET US TAKE A LIE DETECTOR TEST before the public para malaman ng lahat kung sino ang nagsasabi ng totoo. Talk is cheap—handa akong patunayan na pawang mga kasinungalingan ang sinasabi niya tungkol sa akin," anang senador.