Maging si Gela Atayde ay kinyog na rin ng publiko matapos masangkot ng kapatid niyang si Quezon City 1st District Rep. Arjo Atayde na sa maanomalyang flood control projects.
Kung bibistahin TikTok account ni Gela, makikitang pinuputakti siya ng hindi magagandang komento. Tulad na lang ng latest post niya kamakailan, ibinahagi niya ang pagsasagawa niya ng pilates exercise sa loob ng isang araw.
Komento ng netizen sa nasabing post, "[B]udget from kuya Congressman? "
"My paycheck, babe Kuya’s busy serving, not stealing " sagot naman ni Gela.
Pero tila hindi pa kuntento ang netizen sa sagot ni Gela. Buwelta niya, “[K]aya pala d na sya pumapasok ng office nya and puro Euro travel ”
“Kuya’s income streams are called acting & business, not corruption,” tugon ni Gela. “Diba maraming nangangailangan ng tulong? We help because we can. Pag tumulong, may hanash. Pag hindi, kasalanan din. Ano ba talaga?”
Narito pa ang ilang komento ng netizens na matatagpuan sa post ng kapatid ni Arjo:
"isa rin palang nepo baby to "
"nagawa pang gumala, yung ibang tao lubog na sa baha tsk tsk"
"mag off comments kaya ang ateko?? HAHAHHAHAHA"
"Spend the taong bayan’s tax with me"
"teh pa explain naman yung mga sinalaysay ng discaya sa senate hearing"
"unboxing corruption video next"
"KAWATAN KAWATAN KAWATAN KAWATAN"
Matatandaang kasama si Arjo sa listahan ng mga politikong tumanggap umano ng porsiyento mula sa mga proyekto ng Discaya.
Ayon kay Curlee Discaya, isa sa may-ari ng St. Gerrard Construction Gen. Contractor & Development Corp. at Alpha & Omega General Contractor & Development Corp, may mga opisyal umano mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na lumapit sa kanila para kunin ang parte sa proyekto.
Maki-Balita: KILALANIN: Mga politiko at gov't officials na nanghingi umano ng 10-25% share sa proyekto ng mga Discaya
Pero sa Instagram story ni Arjo noong Lunes, Setyembre 8, pinabulanan niya ang alegasyong nakinabang siya sa sinomang contractor.
“I categorically deny the allegation that I benefited from any contractor,” sabi ni Arjo. I have never dealt with them. Hindi po totoo ang mga akusasyon na ito.”
Maki-Balita: Arjo Atayde, itinangging nakakuha ng porsiyento sa mga proyekto ng Discaya