December 13, 2025

Home BALITA National

DOJ, naglabas ng subpoena kina Atong Ang, Gretchen Barretto at iba pa

DOJ, naglabas ng subpoena kina Atong Ang, Gretchen Barretto at iba pa
Balita File Photo

Naglabas na ng subpoena ang Department of Justice (DOJ) para sa mga indibidwal na kasangkot umano sa kontrobersyal na pagkawala ng mga maraming sabungero. 

Ayon sa ulat ng GMA news ngayong Miyerkules, Setyembre 10, sinimulan na umano ng DOJ ang paghahain ng subpoena para kina Charlie "Atong" Ang, Gretchen Barretto at iba pang 60 na mga indibidwal noong Martes, Setyembre 9, 2025 hanggang ngayong araw. 

Kasama rin umano sa mabibigyan ng subpoena si dating National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Jonnel Estomo at iba pang 18 bilang ng mga pulis. 

Ganoon din sa lumabas noon na whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan at kapatid niyang kinilalang si “Elakim.” 

National

‘Hindi ako tutol!’ Sen. Imee aprub sa pagpapatayo ng classrooms, pero kinuwestiyon dagdag-pondo pa rito

Kaugnay ang paglalabas na ito ng subpoena ng DOJ sa magiging paunang isasagagawang imbestigasyon nila patungkol sa mga reklamong multiple murder, kidnapping with serious illegal detention at iba pa para sa mga nasabing indibidwal. 

Matatandaang nauna nang sampahan ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) ng DOJ sina Atong Ang at iba pang mga sangkot umano sa “missing sabungeros” noong Agosto 29, 2025. 

Samantala, nakatakda naman umanong simulan ang pagdinig kaugnay sa naturang kaso sa “missing sabungeros” sa darating na Setyembre 18, 2025 at aasahan dito ang pagdalo ng mga indibidwal na nabigyan ng subpoena mula sa DOJ. 

Mc Vincent Mirabuna/Balita

Inirerekomendang balita