December 13, 2025

Home BALITA Internasyonal

DOF, nilinaw na walang inuutang ang Pilipinas sa SoKor

DOF, nilinaw na walang inuutang ang Pilipinas sa SoKor
Photo Courtesy: via MB

Nagbigay ng paglilinaw ang Department of Finance (DOF) kaugnay sa umano’y pinahintong pagpapautang ng South Korea sa Pilipinas dahil sa panganib ng korupsiyon.

Sa latest Facebook post ng (DOF) nitong Miyerkules, Setyembre 10, sinabi nilang wala umanong inuutang ang Pilipinas sa South Korea.

“As regards to the supposed PHP 28 billion official development assistance (ODA) loan between South Korea and the Philippines, the Department of Finance categorically clarifies that no such loan exists,” saad ng DOF.

Dagdag pa nila, “Nevertheless, we reaffirm to our bilateral partners that the Philippine government will match their trust and confidence with full transparency and accountability.”

Internasyonal

Japan, niyanig ng magnitude 6.7 na lindol; tsunami advisory, inisyu

Matatandaang batay sa investigative report ng Hankyoreh 21 na kalakip ng paskil ni South Korean President Lee Jae-myung noong Martes, Setyembre 9, isinumite umano ng gobyerno ng Pilipinas ang aplikasyon nito sa gobyerno ng Korea noong Nobyembre 2023 upang humiling ng EDCF loan na $510 

milyon o tinatayang  ₩710 bilyon para sa modular bridges project.

Layunin umano ng nasabing proyekto na mapaunlad ang aksesibilidad ng mga magsasaka at ng kanilang mga produkto sa pamamagitan ng pagpapatayo ng steel modular bridges sa 350 rural areas sa buong Pilipinas.

Maki-Balita: SoKor, pinahinto pagpapautang ng ₩700B sa Pinas dahil sa umano’y panganib ng korapsyon