Pinagpiyestahan ng netizens ang volleyball superstar na si Creamline Middle Blocker Bea “BDL” De Leon bunsod umano ng construction firm na pagmamay-ari ng kaniyang amang si Elmer De Leon.
Sa pagdalo ni Curlee Discaya sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee noong Lunes, Setyembre 8, 2025, ibinahagi niyang kasama ang Bell Construction na pagmamay-ari ng ama ni Bea sa naging transaksyon nito sa Marikina.
“Ito nalang si Cong. Marcelino Teodoro ng Marikina, ang tagakuha naman po nito sa akin ay si Bell Construction. Kasi ang nangyari po nito, pina-mutual terminate po niya yung n’ya yung mga projects na napanalunan ko dahil hindi po ko nagbigay. Kaya ang nangyari po nito, napilitan na lang po ko magbigay para i-award ulit sa panibagong bidding,” saad ni Curlee.
Bunsod nito, mabilis na inintiga sa social media platform na Reddit ang negosyo ng pamilya ni Bea kung saan nakalkal na may mga hawak din umano itong flood control projects.
Ayon sa public records ng Department of Public Works and Highways (DPWH), may mga hinawakang flood control projects ang Bell Construction katulad ng Halang Creek, Phase 2 sa Rizal na nagkakahalaga ng ₱69.5 milyon at rehabilitasyon sa flood control structure sa Muntindilaw, Antipolo City na nagkakahalaga ng ₱88.4 milyon.
Samantala, sa kabila ng pagkakadawit na Bell Construction, nananatili itong hindi kasama sa listahan ng DPWH para sa mga construction firm na tumabo ng malaking kontrata para sa flood control projects.
Sa kabila nito, tila hindi rin naiwasan ng netizens na intrigahin ang kilalang marangyang pamumuhay ni BDL.
“Kaya pala kahanay ni BDL sina KKD bilang bigtime na volleyball players.”
“Sheesh, after ng legacy ni BDL, mapapasama pa ata siya sa nepo babies.”
“Kaya pala laking hacienda ang peg.”
“Baka naman abswelto si Bea hahaha she is a real talent sa Ph volleyball.”
“This one bruh. Hindi lang talaga politiko ang korap, kahit saan na.”
“Kaya pala bigatin mga relo ni Bea HAHAHA”
“So kung hindi i-call out si Bea, ladlad talaga pagiging fanatics at double standard ng mga Pinoy.
Wala pang tugon o pahayag si BDL hinggil sa nasabing isyu. Bukas ang Balita para sa kaniyang panig at komento.