Kinumpirma ni Cavite 4th district Rep. Kiko Barzaga ang kaniyang pag-alis sa House Majority Bloc matapos umano siyang iugnay na nagpapatalsik kay House Speaker Martin Romualdez.
Sa kaniyang Facebook post nitong Miyerkules, Setyembre 10, 2025, ibinahagi rin ni Barzaga ang kaniya ring pag-alis sa kaniyang partido bunsod ng nasabing isyu.
“I, Congressman Kiko Barzaga, will discuss a matter that I believe concerns not just my party, but the nation as a whole,” ani Barzaga.
Saad pa niya, mismong ang kapartido raw niyang si Deputy Speaker Rolando Puno ang nandamay umano sa kaniya sa alegasyong pinatatalsik niya sa posisyon si Romualdez.
“Yesterday night, I have been informed that Deputy Speaker Puno, the chairman of the National Unity Party, implicated me in a plot to remove Speaker Romualdez from his position, and that I am collecting signatures to do so. That notion is false,” saad ni Barzaga.
Paliwanag pa ni Barzaga, bunsod ng pagkalas niya sa sariling partido at pag-alis sa mayorya ng Kamara—mas mamarapatin na raw niyang suportahan na maimbestigahan si Romualdez, na minsan lang daw niyang sinuportahan bunsod na rin ng utos ng kaniyang partido.
“While the betrayal of trust is disappointing, I believe it is in the best interests of both myself and the National Unity Party that we go our separate ways, I will also be leaving the majority since I voted for Speaker Romualdez due to my party’s instructions,” anang mambabatas.
Dagdag pa niya, “I supported Speaker Romualdez due to this, though now that I am free from my party’s constraints, I suggest that he must be investigated for any anomalies involving Flood Control Public Funds.”
Matatandaang isa si Romualdez sa mga mambabatas na pinangalanan ng mga Discaya na tumatanggap umano ng porsyento sa pondo ng mga kontrata sa maanomalyang flood control projects.
“Karamihan sa mga kawani ng DPWH na nabanggit sa itaas ay paulit-ulit na binabanggit ang delivery ng pera ay para kay Zaldy Co, na dapat ay at least 25%,” ani Curlee Discaya sa pagdinig sa Senado noong Lunes, Setyembre 8.
Saad pa niya, “Si Cong. Marvin Rillo naman ay ilang beses binabanggit ang pangalan ni Speaker Martin Romualdez bilang kaniyang malalapit na kaibigan.”
KAUGNAY NA BALITA: Ilang DPWH offcials, pumuporsyento sa mga Discaya para umano kina Romualdez at Co