Isang independiyeneng imbestigasyon ang ipinapanawagan ngayon ng mga obispo ng Simbahang Katolika kaugnay ng nabunyag na maanomalyang flood control projects sa bansa.
Sa isang pastoral letter, hinikayat ng obispo ang mga Katoliko na igiit ang paglikha ng isang independent body na mag-iimbestiga sa kontrobersiya at mag-demand ng accountability mula sa mga taong sangkot.
“Let us insist on legal action, including criminal charges against those guilty of systematically plundering public funds,” anang mga Catholic bishops.
Ang pahayag ng mga obispo ay kasunod nang isinasagawang magkasabay na imbestigasyon ng Senado at House of Representatives sa maanomalyang flood-control projects.
Gayunman, kinukwestiyon ng mga obispo ang kredibilidad ng imbestigasyon, lalo na at lumutang na ang mga pangalan ng ilang mambabatas na posibleng sangkot dito.
“How credible are these inquiries when the very institutions conducting them are themselves implicated?” anila.
Nagbabala rin naman sila na tulad ng mga natural disaster, ang korapsiyon ay matinding banta rin sa kinabukasan ng bansa.
“If floodwaters rise because public funds are stolen, the greater flood is corruption itself, drowning our nation’s future,” dagdag pa ng mga obispo.