December 13, 2025

Home BALITA National

'2 dekadang 'di bumabaha sa Dasma, ngayon binabaha na tayo pagkatapos maging district caretaker ni Martin Romualdez?'—Barzaga

'2 dekadang 'di bumabaha sa Dasma, ngayon binabaha na tayo pagkatapos maging district caretaker ni Martin Romualdez?'—Barzaga
Photo courtesy: Kiko Barzaga (FB)/MB File Photo

Usap-usapan ang naging patutsada ni Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga laban kay "Martin Romualdez" sa kaniyang Facebook post nitong Miyerkules ng gabi, Setyembre 10.

Mababasa sa verified Facebook page na "Congressman Kiko Barzaga" ang tila patanong na banat ng kongresista.

Aniya, "Dalawang dekadang hindi bumabaha sa Dasma, tapos ngayon binabaha na tayo pagkatapos maging district caretaker ni Martin Romualdez?"

Photo courtesy: Screenshot from Congressman Kiko Barzaga/FB

National

'Not admission of guilt!' Surigao Del Sur solon, nagbitiw sa bicam committee dahil sa delicadeza

Bagama't "Martin Romualdez" lamang ang binanggit ng kongresista, iniugnay naman ito ng mga netizen kay House Speaker Martin Romualdez.

Ang Dasma naman ay tumutukoy sa Dasmariñas, Cavite, na nasa ikaapat na distrito.

Matatandaang inaprubahan ng Kamara ang pagtatalaga kay Romualdez bilang legislative caretaker ng nabanggit na distrito matapos pumanaw si Rep. Elpidio Barzaga, noong 2024.

Pumanaw si Barzaga noong Abril 27 sa gulang na 74. 

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Ganda ng flood control!"

"Congressman Kiko Barzaga ikw ang pag asa ng dasma pra d maging tuloy tuloy ang pag baha."

"Cong kiko join forces na kayo ni toby tiangco laban sa mga dawit jan sa anomalya ng flood control budget"

"Sino ba ang gumawa sa UMC malapit sa tapat ng SMDC di na umayos un dapat ipatawag din sa Kamara un."

"correct ka Cong. bigla binaha ang dasma,"

Sa kaugnay na balita, inamin ni Barzaga na suportado na niyang mapaimbestigahan si Romualdez matapos ang pagkalas niya sa kanilang partidong National Unity Party (NUP) n at House majority bloc.

“While the betrayal of trust is disappointing, I believe it is in the best interests of both myself and the National Unity Party that we go our separate ways, I will also be leaving the majority since I voted for Speaker Romualdez due to my party’s instructions,” saad ni Barzaga sa kaniyang Facebook post, Miyerkules, Setyembre 10.

"I supported Speaker Romualdez due to this, though now that I am free from my party’s constraints, I suggest that he must be investigated for any anomalies involving Flood Control Public Funds," aniya pa.

Inakusahan din umano siyang nangangalap ng mga lagda upang mapatalsik sa kaniyang puwesto si Romualdez.

“Yesterday night, I have been informed that Deputy Speaker Puno, the chairman of the National Unity Party, implicated me in a plot to remove Speaker Romualdez from his position, and that I am collecting signatures to do so. That notion is false,” saad pa ni Barzaga.

KAUGNAY NA BALITA: Rep. Barzaga, suportadong paimbestigahan si Romualdez sa isyu ng flood control projects