December 13, 2025

Home SHOWBIZ

'Nakakaiyak!' Pokwang, ipinaubaya na lang sa Panginoon kalagayan ng Pilipinas

'Nakakaiyak!' Pokwang, ipinaubaya na lang sa Panginoon kalagayan ng Pilipinas
Photo Courtesy: Pokwang (IG), via MB

Tila nakaramdam ng frustration si Kapuso comedy star Pokwang sa sistema ng hustisya sa Pilipinas.

Matatandaang sa isang X post niya tungkol sa nepo babies kamakailan ay parang may himig pa ito ng pagbibiro. 

Aniya, “May trangkaso ako ngayon kaka trabaho para meron silang pang flex ng mga bongga nilang life style.” 

Maki-Balita: Pokwang, tinrangkaso kakatrabaho para sa nepo babies

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Ngunit sa latest X post ni Pokwang nitong Martes, Setyembre 9, ipinaubaya na lang niya sa Diyos ang kalagayan ng bansa.

“[N]akakaiyak nalang talaga buti nalang ikaw ang tunay na kadamay namin Lord nilalagay nalamang naming mga Pilipino sa inyong mga kamay,” saad ni Pokwang.

Dagdag pa niya, “[T]anging kayo ang nakakaalam kung sino ang tunay at hindi ang hangarin sa bansa parusahan ang dapat maparusahn sa ngalan ng tiwala na winasak  ”

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"I hope lng tlga na hindi hanggang hearing lng,,sana managot lahat2x ng may kasalanan,,!"

"Hayss dasal lng tayo mamang! Huhu sana this time manaig na nararapat at mawala na corruption "

"Tama po sobra,talaga nakakaiyak .. inubos nila pera ng Pilipibas ..wala sila awa."

"Good though we don't think na may babaksak bigla mula sa langit na mga ebidensya."

"Totoo to. Praying to God that He continues to heal our land. may pag-asa pa and it's not only those who are in authority that we need to pray for. Pati tayong mamamayan kasi what's the use of all this if the thieves are voted for padin"

“sana mas manaig ang kabutihan at katotohan kaysa sa kasinungalingan at kasamaan ”