Hindi na nakapagpigil pa ang content creator na si Jeraldine Blackman at inilabas niya ang mga taong nagpapakalat umano ng kasinungalingan patungkol sa dahilan ng naging hiwalayan nila ni Josh Blackman.
Ayon sa post na inilabas ni Jeraldine sa Facebook page nila na The Blackman Family noong Lunes, Setyembre 8, pinasaringan niya ang mga content creator na patuloy umanong gumagatas sa naging hiwalayan ng dati niyang asawang si Josh.
“Look at all these content creators making money by spreading HATE, LIES, and false stories about me and Josh!” panimula ni Jeraldine sa kaniyang post.
Aniya, hindi siya kailanman umano naglabas ng personal na impormasyon na kaugnay sa pinagdaanan nila ng dati niyang asawa.
Nagawa lamang umanong isapubliko ni Jeraldine ang paghihiwalay nila ni Josh noong nakaraang Pebrero dahil para iyon sa mga tagasubaybay nila sa social media.
“For the last 10 years of my marriage, I have never disclosed personal details about what we were truly going through behind the scenes. Back in February, I made a video letting everyone know that Josh and I have separated — because I know many of you have been following our journey, and you deserve to know the truth about where we stand,” paglilinaw niya.
Dagdag pa niya, mula pa man umano noon, ipinagmamalaki niya si Josh sa pagiging mabuti nitong tao at tatay para sa kanilang mga anak. Hindi umano siya nagpapakalat ng mga pahayag na masama tungkol sa kaniya.
“Even then, I spoke highly of him, because he is a good person and a wonderful father. I have never made any statements against him, never said anything bad about him — because that’s the truth. He has a good heart, and he is the best father my kids could ever have!” anang Jeraldine.
Sa pagpapatuloy niya, pinasaringan niya ang mga taong nagkakalat umano araw-araw ng mga post at videos tungkol sa kanila para lamang kumita ng pera.
Saad ni Jeraldine, dismayado siya sa mga kapuwa Pilipino niya dahil sila-sila rin umano ang sumisira sa mga sa bawat isa kahit na dapat ay magtulungan ang lahat.
“To those creating hate for clout — please stop! These accounts I’ve shared have been posting about me every single day, just to make money and gain attention.
“Where is the respect? What’s even more heartbreaking is that many of these people are fellow Filipinos. We should be lifting each other up, not tearing each other down,” aniya.
Ngunit bago nito, nauna nang magpost ni Jeraldine sa naturang FB page nila kaugnay sa pagtutukoy niya sa mga kumakalat na usap-usapan tungkol sa kaniya at Josh sa social media.
Ayon kay Jeraldine, nilinaw niyang walang naganap na “cheating” sa pagitan ng kanilang pagsasama ni Josh.
Tumigil na raw umano ang mga tao magpakalat ng maling alegasyon partikular sa kaniya na nagloko sa kaniyang dating asawa.
“I want to make this very clear: no one cheated in our marriage. Please stop assuming I did. There are also posts saying Josh cheated because of that Tinder post from last year—that account was fake, and it was someone pretending to be him,” ‘ika ni Jeraldine.
Samantala makikita sa post ni Jeraldine noong Lunes ang mga larawan ng iba’t ibang accounts sa Facebook na hindi umano tumitigil sa panggagatas sa kanilang pamilya.
Matatandaang noong Pebrero 21, 2025 isinapubliko ni Jeraldine ang hiwalayan nila ni Josh.
KAUGNAY NA BALITA: Jeraldine at Josh ng Blackman family, hiwalay na!
Mc Vincent Mirabuna/Balita