June 01, 2026

Home SHOWBIZ

'Happy 10th Bayaniversary!' TBA Studios, ginugunita unang dekada ng 'Bayaniverse trilogy'

<b>'Happy 10th Bayaniversary!' TBA Studios, ginugunita unang dekada ng 'Bayaniverse trilogy'</b>
Photo courtesy: TBA Studios (FB)


Masayang inanunsyo ng Tuko Film Productions, Buchi Boy Entertainment, and Artikulo Uno Productions o TBA Studios ang ikasampung anibersaryo ng kanilang “Bayaniverse trilogy.”

Mababasa sa Facebook post ng TBA Studios nitong Martes, Setyembre 9, na eksaktong 10 taon ngayong araw, inilabas ang unang pelikula ng trilogy na “Heneral Luna.”

“It's been 10 years since #HeneralLuna began the Bayaniverse trilogy and sparked a renewed passion for our cinematic history,” ani TBA Studios.

Hinihimok din nila ang lahat na makibahagi sa legasiya at impluwensya ng mga pelikulang ito sa kultura ng bansa.

“Join us in celebrating this legacy and cultural impact of the #Bayaniverse trilogy. This unprecedented gathering of stars from three beloved films—Heneral Luna, #Goyo: Ang Batang Heneral, and Quezon—is a powerful tribute to the enduring spirit of this cinematic universe,” anila.

“The iconic stars of the three films have gathered for the first time ever to celebrate the shared experience of cinema and the electricity of a live audience,” dagdag pa nila.

Umani naman ng pagbati at pagsuporta mula sa netizens ang nasabing post ng TBA Studios.

“Bitin yung trilogy. Andami pa nating bayani na pwedeng gawan ng film.”

“Prequel trilogy naman sana like sa panahon ni Dagohoy or ni Diego Silang”

“bayaniverse will always have a special place in my heart. thank you tba studios, direk jerrold, and everyone who’s behind this amazing cinematic universe! can’t wait to see quezon!!!!”

“Malaki ang naitulong ng Bayaniverse kaya sana may bagong projects na maggawa pa”

“Happy Anniversary po sa inyo... Sana Dumami pa ang Movies na gagawin ninyo... Sarap mabalikan ang History... Paborito namin mag ama ang naunang 2... Pati ung prelude to Goyo…”

Maging ang aktor na si Mon Confiado, na siyang gaganap bilang Emilio Aguinaldo sa pelikulang “Quezon,” ay nagpahayag din ng pagsuporta at pagbati.

“Happy 10th Bayaniversary to All The Iconic Stars,” aniya.

Pormal na ipalalabas “exclusively” sa mga sinehan ang ikatlong pelikula ng “Bayaniverse trilogy” na “Quezon” sa Oktubre 15, 2025, kung saan bibida ang aktor na si Jericho Rosales.

KAUGNAY NA BALITA: Trailer ng Pelikulang 'Quezon,' inilabas ng TBA Studio sa kaarawan ni MLQ-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA